HINDI tinantanan ni Natassa si Elias hanggat hindi ito nagigising. Niyugyog niya ang balikat nito. Nang sa wakas ay nagising ito, inakay niya ito patayo at inalalayan papasok sa villa. Hindi naka-lock ang pinto. Siya lang naman ang palaging tumatambay roon sa tuwing gusto niyang mapag-isa. Ipinasok niya sa banyo si Elias at binanlawan ito sa shower. Nahimasmasan ito. Pumiksi ito at tumalsik sa kanya ang tubig. Nabasa ang kapapalit niyang damit. “Ano ba? Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” aniya. “N-naparami ang nainom ko’ng wine. K-kailangan ko ng mainit,” sabi nito habang nanginginig. Walang heater ang tubig. In-off niya ang shower. Biglang naghubad ng underwear ang binata at pinatuyo ang katawan gamit ang tuwalya. Habang pinagmamasdan niya ang kahubaran nito ay inaalipin siya ng tukso at pa