"N-noel, kailan pa?" patagilid na tingin ni Ruby kay Noel. Tabi silang nakaupo sa may gilid ng dagat at hinuhugasan ang mga dugo sa mga damit nila. "Okay ka na ba?" pero paiwas na tanong dito ni Noel. "O-oo. Kaya lang 'di pa rin ako mapakaniwala na.. na.." "Kung gusto mong mabuhay at makabalik ng Pilipinas pikit mata ka na lang. Huwag kang mag-alala, pagbalik natin do'n kakain ka ulit ng totoong karne. Karne na luto at masarap." "Pero hindi ka ba nakokonsensiya? Kinain natin o nilapastangan natin ang bangkay ng mga kaibigan natin," nakukonsensiyang sabi ni Ruby. "Pero paano kung natutuwa pa sila ngayon dahil natulungan nila tayo? Mag-isip ka, Ruby. Patay na sila. Kakainin din sila ng uod kaya hindi ba mas maganda na tayo na lang ang kakain sa kanila?" pagkasabi n'on ay tumayo na si No