"NASAAN po si Travis, Yaya Lorie? Hindi ko po kasi siya nakita sa itaas," agad na bungad ni Isabella nang makapasok sa kusina. Umupo siya sa upuan habang karga si Irvan. Humarap kay Isabella si Yaya Lorie na kasalukuyang nagluluto ng umagahan. "Maaga siyang umalis, Isabella. Wari ko'y papasok na sa trabaho niya. Bakit mo nga pala natanong?" "Kayo naman po, Yaya Lorie. B-Baka kung ano na ang iniisip niyo ngayon. Nakakapanibago lang po kasi dahil hindi naman po ganito kaaga umalis si Travis." "Naku, hindi mo ako masisisi, Isabella. Mag-asawa na kasi ang tingin ko sa inyong dalawa." Agad nanlaki ang mga mata ni Isabella nang marinig iyon sa matanda. Kinuha niya ang isang baso ng tubig sa harap niya at uminom doon dahil pakiramdam ni Isabella ay mabubulunan siya kahit wala namang laman an