KABANATA 62.2

1825 Words

"BINISITA mo ako, Travis." Mahinang tumawa si Travis. "Umupo ka, Albert," tugon niya rito. "Pumunta ako rito para magtanong sa iyo," aniya pa. At katulad ng sinabi niya, umupo nga si Albert sa harap niya. Kasalukuyang nasa presinto ngayon si Travis. Sinadya niya talagang dito muna pumunta bago siya magtungo sa kaniyang kumpanya dahil gusto niyang alamin ang katotohanan. Ito na ang panahon para malaman niya kung si Isabella nga ba ang nasa video o hindi. Si Albert lang ang tanging makakasagot noon sa kaniya kaya sinadya niya pa ito. "Anong itatanong mo? Tungkol saan?" "Tungkol kay Isabella..." sambit niya bago dinukot ang cellphone sa kaniyang bulsa. Hinanap ni Travis ang video na napanood niya noon at nang mahanap, pinindot niya iyon at inabot kay Albert. "Panoorin mo iyan. Gusto kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD