Labis-labis ang sayang naramdaman ni Gail sa loon ng isang linggo nilang honeymoon ng asawang si Liam sa London, ngayon ay tutungo naman sila sa Paris, France para sa ikalawang linggo ng vacation trip na niregalo ng ina at ng Tito Vicente nila. Hindi katulad noong una na takot na takot si Gail, nawala ang pangamba sa hatid na panganib ng taong gustong pumatay kay Liam, kahit papaano ay panatag siya. "Ang lalim yata ng iniisip mo, honey?" untag ni Liam sa asawa habang nasa eroplano sila. Agad na ngumiti si Gail bilang tugon sa asawa. "Iniisip ko lang iyong taong gusto kang iligpit," tahasang tugon dito dahilan upang maging seryoso rin ang mukha ng asawa. "Alam kong nag-aalala ka lalo pa at muntik na si Tita Minda," malungkot na wika ni Liam na sinundan pa ng malalim na buntonghininga.