Biglang nag-flashback sa isipan ni Liam ang sandaling naaksidente sila ng mga magulang. Halos hindi niya namalayang nayakap niya ang katabing kasintahan, mahigpit na mahigpit iyon. Gulat na gulat rin si Gail sa ginawang iyon ng kasintahan, noong una ay inakalang gusto lamang siyang protektahan ito ngunit nakawala na sila sa bingit nang kamatayan pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap nito idagdag pang ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. "Honeypie, ayos ka lang ba? Puwede bang pakiluwag-luwagan ang pagkakayakap mo sa akin," saad niya rito. Babanatan niya sana ito ng matinding joke pero sa nakikitang hitsura ng kasintahan ay kita pa ang bakas ng trauma sa mukha nito. Nakabawi naman si Liam sa gulat at pagkabigla, hindi pa rin talaga nawawala sa kanya ang trauma niya sa aksidenteng