Nakakailang kopita na sya ng alak, at nararamdaman na nya ang hilo. Ilang beses na din syang sinabihan ng bartender na tumigil na sya sa pag-inom pero sige parin sya. Kung ano-ano na nga ang naikwento nya sa bartender tungkol sa kanya at kay Gavin. At sa tingin naman nya naniniwala itong girlfriend sya ni Gavin. At kung hindi man marunong itong sumakay sa kanyang mga kwento. "Hi, are you waiting for someone?" tanong ng lalaking lumapit sa kanya, naupo ito sa katabing upuan nya. Sinulyapan nya ang lalake. May itsura ito at mukhang bata, hindi nalalayo marahil sa edad nya. "I'm alone" sagot nya at inubos ang laman ng baso nya. Agad naman sumenyas ang lalake sa bartender na bigyan sya muli ng baso. Sumunod naman ang bartender. "My treat" sabi pa nito na may kayabangan. As if naman na hind