Pagdating sa bahay, hilong-hilo na sya ni hindi nga nya magawang buksan ang pinto ng kotse. Narinig pa nya ang mabigat na pagbuntong hininga ni Gavin, bago bumaba ng kotse at malakas na sinara yon. Ewan naman nya kung bakit wala syang lakas. Sa susunod hinding-hindi na sya iinom. "You're drunk!" galit na sita ni Gavin sa kanya, nang buksan nito ang pintuan ng passenger seat. "A little" nakuha nyang isagot, kahit obvious na lasing na lasing na sya. "Sa susunod huwag kang iinom kung hindi mo kaya! at lalong huwag kang iinom kung hindi mo maipagtanggol sa mga manyakis ang sarili mo!" sermon nito sa kanya. Mangangatwiran sana sya nang bigla syang buhatin nito mula sa upuan ng kotse. "Gavin!" tili nya. Nang umangat ang pangupo nya sa upuan. Mabilis nyang kinawit ang mga braso sa batok nito