NAGULAT si Rhomz nang pagpihit niya sa kanyang likuran ay nakatayo roon si Nathan. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang gupuin siya ng kaba. Nawala sa isip niya na kaya pala nitong pumasok kahit saan. May teleport ability ito. “Hm. Are trying to escape?” pilyong untag nito. Napaatras siya hanggang dumikit ang likod niya sa pinto. Ganoon din ang pagsugod nito sa kanya. Nataranta siya. Sinuntok niya ito sa dibdib. “Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!” pagtataboy niya rito. Pumikit siya nang akala niya’y hahawakan siya nito. Pero hindi lumapat ang kamay nito alin mang parte ng katawan niya. Pagmulat niya ay napansin niya na kinuha lamang nito ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng pinto. “Don’t worry, wala ako sa mood para galawin ka. Magpapamasahe lang talaga ako. Kahit hindi na kasama ang lik