"Walang kami. At hindi kami. Okay? Kumalma kayo!" Pero parang walang narinig iyung tatlong tao sa harap ko. Si Myles, Peachy, at si Xenia. Nakatingin lang sila sa akin. Mabuti na lang at nakatulog na si Nanay. Hinanap pa kasi uli sa akin ni Nanay si Yoseph nang bumalik ako ngayon sa bahay, kaya katakot-takot na pambobola pa ang ginawa ko para lang tigilan na niya ako sa kakatanong kung nasaan na si Yoseph, at kung kailan babalik sa bahay namin. Si Yoseph? Ayun. Napapayag ko ring umuwi kay Yanis pagkatapos ko siyang samahang kumain. "Xyrene. Ayaw ka lang naming masaktan. Uli,"si Peachy. "Xyrene. Alam ko... kung gaano ka katapang. Nakita ko kung paano mo pinasan lahat. Lahat ng nangyari sa pamilya natin. Pero aaminin ko, natatakot ako ngayon para sa’yo," si Xenia. Nag-iwas ako ng tingin