"Bakit ka ba kasi pumunta sa bahay?" sita ko kay Yoseph nang makaalis na iyung babaeng fastfood staff na naghatid ng inorder niya. Imagine self-service dito sa kainan na ito, pero etong nasa harap ko hinatid iyung order? Kinikilig-kilig pa nga ‘yung babaeng staff kanina, eh. Siguro, kilala niya kung sino itong guwapong lalaki sa harap ko. "Hinanap kita. Hindi mo kasi sinasagot ‘yung mga text at tawag ko," parang inis pa na sagot nito. "Nag-apply nga ng trabaho. Malamang, busy ako, ‘noh," sagot ko, sabay irap sa kanya. "At ano naman ang pumasok sa isip mo, at nag-apply ka ng trabaho? Hindi ba kumikita ang laundry shop? Nalulugi ba? I can help you. Pwede kitang pahiramin ng dagdag na puhunan," sagot nito. Sobra-sobra na kaya ‘yung binigay mong puhunan! "No. Hindi ‘yun ganun. Okay naman