Dalawang linggo nang walang Yoseph at Yanis sa buhay ko. Mula nung sinita ko si Yoseph ay hindi na sila nagpakita sa akin. Dalawang linggo. Pero parang dalawang buwan ang katumbas. Mahirap. Pero alam kong ito ang dapat. Hindi ako dapat sumasali sa buhay nila. Mahal ko si Yanis. At alam kong mahal na rin ako ng bata. Pero kung hindi ko puputulin ang meron kami ngayon, at dumating ang panahon na malaman niya kung anong klaseng tao ako, malamang dalawa na sila ng ama niya na masuklam sa akin. Hindi ko maalis na ma-miss sila. Sila pa bang dalawa? Aaminin ko, nasa sistema ko na sila. Pero ito ang tama kong gawin. Ito ang dapat kong gawin, kasi ito ang parusa sa akin. Ito ang bunga ng mga maling desisyon ko noon. "Huy! Umiiyak ka na naman diyan!" sita ni Peachy. Agad kong pinunasan iyong b