Usually, bago ako tumuloy sa unit ko pagkagaling sa trabaho ay dumadaan muna ako sa shop para silipin iyung record book. Gusto kong malaman kung marami ba silang naging customer sa maghapon. Hindi naman sa nagdududa ako sa mga tauhan ko at kay Xenia, pero nasanay na kasi ako dahil naging routine ko na rin iyon sa limang taon. Pero ngayong araw na ito, pinili kong huwag nang dumaan. Mahirap na. Baka maagang nagbukas si Xenia o kaya si Theresa. Baka may makakitang kasama ko si Yoseph. Inihinto na ni Yoseph iyung kotse niya sa gilid ng condotel. Mabuti na lang at busog na ako. Ang gagawin ko na lang pagkapasok sa unit ko ay matulog. Dumaan muna kami sa isang fastfood kanina para makapag-almusal muna si Yanis, bago namin inihatid sa school niya. "Sige na, Yoseph. Thank you. Antok na antok