Dumarating yata talaga sa buhay ng tao na gusto mo nang sumuko. Ganito pala ang pakiramdam ng mga nababasa ko sa social media. Kaya pala may mga nagpapakamatay. Pero kung gagawin ko ‘yun, ano pang pinagkaiba ko sa kanila? Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pintuan ng kuwarto ko. “Yoseph! Isang buwan na mula nang makabalik ka dito sa Pilipinas, pero wala kang inatupag kung hindi ang maglasing! Wala ka bang balak asikasuhin ang AMCO? Ang buong akala ko, ikaw ang aasahan ko sa AMCO, but it seems hindi iyon ang nakikita ko sa iyo ngayon!” Naglalakad palapit sa akin si Daddy sa kama ko, habang sinasabi niya iyon. “Klarence…” habol naman sa kanya ni Mommy na nasa likod niya. Nang huminto si Daddy sa tapat ko ay agad itong napahawak sa ilong niya, na para bang pinipigilan niyang huminga