Unti-unti akong nagdilat ng mga mata. Ikinurap-kurap ko ang mga ito dahil sa bahagyang panlalabo, "Klarence! Ang anak mo! Gising na siya!" narinig kong sigaw. Klarence? Anak? Pilit kong hinanap ang boses noong babaeng sumigaw. Nakangiti ito sa akin, habang may mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi. Magtatanong ako dapat sa kanya, pero naunahan ako ng mga taong nakasuot ng kulay puting coat, na bigla na lang nagpasukan sa kuwarto. Kanya-kanya sila ng puwesto sa tabi ko. Kanya-kanyang suri sa katawan ko. Naguguluhan man ako ay pinabayaan ko lang sila sa ginagawa nila. May ilang sandali rin bago nagsi-alisan ang iba sa kanila. Ang naiwan ay isang matandang lalaki, na nakangiting nakatingin sa akin. Sandali kong iginala ang tingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Pilit kong iniisip