[“Xyrene, abogado lang daw ng mga Montenegro ang nakikipag-usap kay Paul.”] Iyon ang bungad sa akin ni Nehru ngayon sa video call namin. Si Paul ang kaibigan niya na kinuha kong attorney. Nalungkot naman ako. Sayang kasi ang mga araw. Dalawang buwan na ang lumipas pero ni wala pang anumang resulta iyong petisyon ko sa korte. “Ilang beses na akong nag-iwan ng message kay Yoseph, ah.” [“Wala. Ayaw niyang makipag-usap. Ayaw maki-cooperate. Pinuntahan na rin sa condo unit niya, wala daw ang occupant doon sabi sa lobby.”] Tsk! Umiral na naman ang topak nung lalaking ‘yun! Paano'ng nangyaring walang occupant, eh nakikita ko minsan na nandoon si Yanis kapag magka-video call kami. “Sige. Try ko uling mag-iwan ng message sa inbox niya. Nakikita naman niya, kasi seen naman ang mga mensahe ko.