CHAPTER 14 – XYRENE’s POV: HAPPY GRADUATION DAY

1613 Words
"Huy, mauna na kaming umuwi sa inyo, girls. Magluluto pa si Nanay. Wait ko na lang kayo mamaya. Ha?" paalam ko kay Myles at Peachy, pagkatapos naming mag-picture taking. Halos lahat ng bagong graduates ay nagkakagulo sa huling pa-picture na magkakasama kami sa huling pagkakataon. "Naku! Hindi namin palalampasin iyang libreng chibog na yan, girl! Kakain lang kami sa labas nila Nanay at Tatay, tapos uuwi na rin daw sila sa probinsiya," sagot ni Myles. "Ang bilis naman?" tanong ko. "Naku, ewan ko ba kay Nanay. Inaalala raw niya 'yung bahay namin dun. Eh, sabi ko nga, hindi naman tatakbo 'yung bahay namin," natatawang sagot ni Myles. "Same here, sis. Gusto nga ni Nanay, sumama na ako pauwi sa kanila ngayon. Pero sabi ko, susunod na lang ako, at may mga kailangan pa tayong i-fill up sa Registrar. Gusto ko, kapag nagbakasyon ako dun, walang iistorbo sa akin," singit naman ni Peachy. "Uy, may gift ako sa ‘yo, Xyrene. Mamaya ko na lang ibibigay.” “Naku, nag-abala ka pa, Myles.” "Maliit na bagay lang ‘yun, Xyrene. Anobey…” kunwa’y nahihiyang sabi ni Myles. “Ay, pa’no ‘yan? Wala akong something…” singit ni Peachy. “Ano ba ‘yan? Kapal face… makikikain, wala man lang dala...." pang-aasar dito ni Myles. "Eh di bibili! Yabang nito…" "Huy! Ano ba kayong dalawa? Kahit wala kayong gift basta pumunta kayo mamaya! Magiging busy na tayo kapag nag-umpisa na ang review natin para sa board kaya samantalahin na natin itong araw na ‘to, at baka hindi na tayo magka-usap-usap kapag nagkataon," nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. "Ayun naman pala, eh! Pwede naman palang walang gift," sagot ni Peachy. "Kapal mo talaga!" sabi naman ni Myles sa kanya. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Lagi silang aso't pusa na dalawa pero hinding-hindi ka naman nila iiwan. MALILIIT na kalabit ang gumising sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko si MJ na nasa tabi ko. Umidlip muna ako kahit konti, sobrang aga ko kasing nagising kanina para sa Graduation. Alas-siyete kasi ang simula ng program, kaya dapat maaga ako makapag-ayos. "Oh, MJ. Bakit?" tanong ko dito. Nakabihis ito ng magandang damit niya. "Tita! Sabi Lola, ligo ka na raw." Ngumiti ako dito at saka ginulo ang buhok nito. "Bihis na bihis ka, ah! Birthday mo?" biro ko dito. "Hehe... para pogi ako! Ligo ka na para ganda ka na, Tita...." sagot nito. "Opo! Maliligo na po..." "Babay!" mabilis na paalam nito, at saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko. Naiiling na bumangon na ako para maghanda na. Maya-maya lang ay darating na ang mga bisita ko. NAKALIGO na ako, at nakapagbihis na. Nagsuot ako ng kulay pink na bestida na ang manggas ay may butas sa itaas na bahagi nito. Ang tawag nga nila sa ganitong style ay ‘turok- bakuna style’, dahil sa easy access ang pagbabakuna, gawa ng butas na sakto doon sa bahagi ng braso. Ipinusod ko ang buhok ko, at nag-iwan lang ng ilang hibla sa magkabilang gilid ng mukha ko. Naglagay lang ako ng lip tint, konting blush on, at saka pressed powder. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ko sa kuwarto nang pumasok uli si MJ. "Wow! Tita! Ganda mo!" Napangiti ako sa kanya. "Talaga? O binobola mo lang si Tita?" sabi ko dito, sabay kurot sa pisngi niya. "Tita, enge na stapegi," sabi nito. "Naku... sabi na nga ba. May kasunod ‘yung papuri mo, eh..." "Eh, Tita... ayaw ako bigyan Lola. La pa daw bisita ikaw...." reklamo nito. "Oh, sige. Tara na. Ako na ang magbibigay sa’yo," sabi ko dito. "Ye-hey!" masayang sabi nito. Nang nasa may sala na kami ni MJ ay sakto namang pumapasok sa pintuan namin sila Myles at Peachy. "Happy graduation sa atin!!!" sabay pa nilang pagbati. "Oh ayan, MJ pwede ka nang kumain ng spaghetti. May bisita na si Tita," sabi ko kay MJ. Pero nahihiyang nagtago sa likuran ko si MJ kaya natawa na lang kaming lahat. "Tara, kumain na kayo..." tawag ko sa dalawa. "Mamaya na. Hintayin na natin ibang bisita mo. Eto nga pala 'yung gift ko," sabay abot ni Myles ng katamtamang laki ng paper bag, at saka naupo na sa sofa. "Basta ako, walang gift. Sabi mo, okay lang di ba?" sabi naman ni Peachy. "Oo nga..." nakangiti kong sagot sa kanya, at saka siya tumabi kay Myles sa upuan. "Makapal ka naman talaga," sabi naman ni Myles sa kanya, na sinagot lang ni Peachy ng irap. "Dadating ba si Papa Randell?" baling sa akin ni Peachy. Nagkibit-balikat ako. "Siguro. In-invite ko naman siya. Silang dalawa ni Yoseph, actually." "Ako nang magpapakain diyan kay MJ, Xyrene," sabi ni Nanay, saka kinuha si MJ sa likuran ko. “Maiwan na muna namin kayo riyan,” paalam ni Nanay sa amin. "Girl, ano kayang gift sa’yo ni Papa Randell? Paniguradong maganda saka mahal!" tila kinikilig na sabi uli ni Peachy. "Hmp! Ito naman. Materialistic masyado!" sita ni Myles dito. Eto na naman po silang dalawa.... "Aba! Sa itsura ba naman ni Randell, at sa yaman niya dapat lang na bongga ang gift niya kay Xyrene, kung talagang gusto niyang maging girlfriend itong birhen na ito!" sagot ni Peachy. "Sshhh! Maka-birhen ka riyan! Baka ano ang isipin ng Nanay ko," mahinang saway ko kay Peachy na tinawanan lang nilang dalawa ni Myles. Ding-dong! Ding-dong! "Uy... mukhang nandiyan na si Prince Charming mo, ah!" excited na sabi ni Peachy. "Sino namang Prince Charming?" inosenteng tanong ni Myles. "Eh di si Papa Randell! Sino pa ba?" sagot ni Peachy. "Si Yoseph din naman, nanliligaw kay Xyrene ah! Hindi siya pwedeng maging Prince Charming?" sagot ni Myles. "Ay naku! Anong mapapala ni Xyrene sa nagtatrabaho sa construction? Duh!?" maarteng sagot ni Peachy. "Ang kinis-kinis kaya ni Yoseph... saka mukha namang madiskarte 'yung tao... masyado mo namang ini-small iyung mga may blue collar jobs na tulad ni Yoseph..." pagtatanggol naman ni Myles. Ding-dong! Ding-dong! "Oy! Stop muna kayo sa bangayan n’yo ha. Titingnan ko lang iyung nasa gate. Baka naman pagbalik ko, nagsasabunutan na kayo," biro ko sa dalawa, at saka na ako tumayo para pagbuksan ang nasa labas ng gate. Pero hindi pa ako nakakalabas ng pintuan namin ay nasalubong ko na si Xenia papasok. "Xyrene! Andito na si Randell," sabi nito, at saka ko tiningnan ang likuran niya. "Randell! Tuloy ka... si Peachy at si Myles pala," sabi ko dito, sabay turo sa dalawa. "Hello, mga beauties!" bati ni Randell sa dalawa na may malapad namang ngiti kay Randell. Ikaw ba naman ang tawaging beauty eh! "Happy graduation sa ‘yo, Xyrene..." baling ni Randell sa akin na nakangiti pa rin. Hindi ko tuloy maalis ang tingin ko sa mga cute dimples niya! Yung mukha kasi ni Randell parang kay Aga Mulach lang nung kabataan niya na pag nginitian ka, at lumabas na ang mga dimples, hindi mo na maalis ang tingin mo sa mukha niya. "Sana magustuhan mo ang gift ko," dagdag na sabi ni Randell, habang nakangiti pa rin. "Asan? Asan ang gift mo?!" excited na tanong ni Peachy na napatayo pa. "Huwag ka ngang agaw-eksena," halos gigil na sabi ni Myles, at saka hinila pababa ang laylayan ng t-shirt ni Peachy dahilan para mapa-upo uli ito. "Para nagtatanong lang!" nakasimangot na sagot ni Peachy kay Myles na inirapan naman nung huli. "Pasensiya ka na sa dalawang ‘yan, Randell. Normal lang sa kanila yan," hinging pasensiya ko kay Randell. "Okay lang... eto nga pala iyung regalo ko sa yo, Xyrene..." sabi nito, at saka may kinuha sa labas ng pinto. Iniabot nito sa akin ang isang napakalaki at napakagandang flower at chocolate bouquet arrangement, at saka paper bag na may tatak ng sikat na brand ng mga bags. Para namang tumalon ang puso ko sa saya! Ngayon ko lang naranasan na mabigyan ng ganitong mga may halagang regalo. Para sa isang katulad ko na lumaki sa isang ordinaryo at simpleng pamilya, hindi pa ako nabigyan ng ganito ka-espesyal na regalo, at big deal talaga ito sa akin. "Wow... ang lakas maka-sosyal ng Lola mo...." hindi rin makapaniwalang sabi ni Peachy. "Thank you, Randell ha...." sabi ko rito. "Thank you na agad? Hindi pa tapos ang gift ko sa’yo, ha!" sagot nito. "Ha?" naguguluhan kong tanong. Sumenyas siya sa akin na para bang sinasabing sandali lang at saka dumukwang sa labas ng pintuan. May sinenyasan siya sa labas ng pintuan namin na parang inaayang pumasok. Sino kaya iyun?? Pumasok ang isang lalaki na halos kasing edad din ni Randell. May hawak itong cellphone sa kamay. Nakita kong tumingin ito kay Randell. Pasimple namang tumango si Randell na para bang binigyan ng go-signal iyung lalaki. "Good afternoon, Miss Xyrene. Nandito po ako para handugan kayo ng isang kanta. Happy graduation day po... from Sir Randell," sabi nito, at saka lumingon sa gawi ni Randell. Napaisip ako kung anong gagawin ng lalaki. Tumingin ito sa cellphone niya at saka may pinindot. Kasabay nun ang pag-ilanlang ng isang tugtog. Pagkatapos ay sinabayan ng kanta nung lalaki. "Awwwww..." sabay na sabi ni Myles at Peachy. Hindi ko alam kung iyung reaksiyon ba nung dalawa ay dahil ba sa kantang napili nung kumakanta, o dahil mismo dun sa kumakanta. In fairness kasi, may itsura si Kuya Singer. Napangiti ako. First time ko na namang nakaranas ng ganitong kinakantahan. Napatingin ako kay Randell. Nahuli ko tuloy na nakangiting nakatitig ito sa akin. Na-conscious tuloy ako. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko na tuloy magawang mag-concentrate sa pakikinig sa kumakanta sa harap ko. "Sana po ay nagustuhan ninyo ang singing telegram ko, Miss Xyrene… care of Sir Randell," pagtatapos ni Kuya na singer, na malapad na nakangiti. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD