“Asan si Yanis?” Huminga muna nang malalim si Yoseph, bago sumagot. Nag-iwas ako ng tingin kay Yoseph. Hindi ko matagalang tingnan siya. Kung bakit naman kasi ang guwapo-guwapo niya! Ang kinis pa ng mukha! Di ba galit ka sa kanya, Xyrene? Oo nga, pala. Ngayon lang ako tinawagan ni Yoseph mula nung kaninang nagkasagutan kami. Alas sais na ng umaga dito, at marahil alas nuwebe na ng gabi sa Pilipinas. [“Hinatid ko na sa bahay n’yo. Doon ko na siya dinerecho, para maibigay ko na rin ‘yung mga pinamili ko para kay Nanay Cita.”] Nanay Cita? Ang sarap pakinggan. Hindi ko alam kung bakit sa kabila nang pagkawala ng mga memorya nilang dalawa, parang may hindi maputol-putol na koneksiyon sa pagitan nila. Buti pa sila... Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot. “Salamat. Hindi ka na dapat nag-a