Hindi ko mapigilan ang ngiti habang papalapit na ako sa pintuan ng apartment ko. Excited na ako na makapasok na sa loob. Biyernes ngayon. Yanis-Xyrene Day naming dalawa! Pagkahinto ko sa tapat ng pintuan ko ay sinilip ko pa ang relo sa braso ko. Alas-nuwebe na ng umaga sa Pilipinas. Siguro naman ay gising na si Yanis. Hindi pa naman pumalya iyong batang iyon kapag ganitong araw namin. Excited na inilabas ko na ang susi ng pintuan ko at saka sinusian ang doorknob. Excited akong dumerecho na sa kusina para doon ko i-set up ang video call namin habang naghahanda ako ng hapunan ko. Naka-ilang ring na ang tawag ko kay Yanis, pero hindi pa ito sumasagot, na kakatwa dahil kadalasan, dalawa o tatlong ring lang ay nakakonekta na ito agad sa tawag. Ibinaba ko ang hinuhugasan kong mga dahon ng