Xyrene's last day of board exams... "Oh, anak! Buti naman at umating ka na. Paniguradong gutom ka na." "Mauna na po kayong kumain, Mommy. Magpapahinga lang ako. Sorry if you have to wait for me," malungkot na sabi ko, sabay halik sa pisngi ni Mommy. "Baby brother, asan na yung kasama mo?" tanong naman ng Ate Ysa na may kausap sa phone niya. Paniguradong si Kuya Zyrus na naman ang kausap niya. Eh, sino pa ba? "Wala. Hindi ko nakita. Tell Dad, I'm sorry. Naabala ko pa siya," malakas na sabi ko, habang umaakyat ako sa hagdan papunta sa mga kuwarto namin. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay hinubad ko lang ang sapatos at tshirt ko, at saka patamad na padapang humiga sa kama ko. Sa totoo lang, ngayon ko lang naramdaman ang pagod at puyat mula sa mahabang biyahe ko. Pagkagaling kasi sa airport