CHAPTER 9 - AMPALAYA IS BITTER

1540 Words
"Akala ko ba nasa Cebu ka?" tanong ko kay Yoseph na nakayuko pa rin Siniko pa ito ni Reggie para mag-angat ng tingin. "Dumating na ako kanina," malamig nitong sagot. Tinotoyo?? Di ba dapat ako nga ang toyoin kasi hindi ko alam kung pinaglalaruan nila akong dalawa ni Reggie? Sabi ni Reggie kanina nasa Cebu siya, tapos ngayon heto na siya sa harapan ko? Ano ‘yun, may sariling eroplano? Para tuloy bumabalik na naman ang pagka-inis ko kay Yoseph! "Bakit hindi kayo pumasok dito sa loob, at diyan kayo nagtitiis sa labas? Matutuwa ang mga lamok diyan sa inyo." Napatingin kaming tatlo sa gawi ni Nanay, na dumungaw pala sa may pinto. Si Reggie ang agad na nakabawi sa aming tatlo. "Ay naku, Aling Cita. Sa sobrang pait po ng dugo namin, baka isuka pa nung mga lamok na kakagat sa amin," sabi niya kay Nanay "Pait? Bakit mapait?" nagtataka namang tanong ni Nanay. "Eh, di po ba iyung ampalaya mapait? Sa English - bitter. Yown!" sagot uli ni Reggie. Tiningnan ni Reggie ang mga reaksiyon namin sa sinabi niya, at saka pagkatapos ay nameke ng tawa nang walang tumawa maski sino sa amin. "Waley ba? Hahaha! Sorry naman. Ako lang kasi ang nakakaintindi kung bakit bitter," tumatawang sabi nito. Nang mapatingin siya kay Yoseph na masamang nakatingin sa kanya ay agad nitong itinigil ang pagtawa niya. "Hay naku.... pumasok na nga kayo dito sa loob, at mukhang hindi lang lamok ang nakakagat kay Reggie," pagbibiro na rin ni Nanay. Agad na tumakbo si Reggie papasok ng bahay namin kaya naiwan kami ni Yoseph. Nag-aalangan naman ako kung mauuna na akong pumasok sa bahay o pauunahin kong pumasok si Yoseph. Isa pa ay naiilang ako sa sobrang tahimik nito. "T-Tara na?" aya ko dito. Pero sinagot niya rin lang ako ng tingin. Marahan itong tumango, kaya pumihit ako patalikod at saka naglakad na papasok ng bahay. "Bakit pumunta dito iyung kulugong iyon?" tila naiinis na sabi nito sa likuran ko. Kumunot ang noo ko kahit hindi naman niya nakikita. "Kulugo? Si Randell ba ang tinutukoy mo?” manghang tanong ko. “Sino pa ba?!” inis pa ring sagot nito. Kanino ba siya naiinis? Sa akin o kay Randell? “Hmm... dinaanan niya ako sa school, tapos hinatid niya ako dito sa bahay," sabi ko, habang naglalakad kami papasok ng bahay. Pagkapasok sa loob ng bahay ay narinig ko ang boses ni Reggie. "Naku... ang ganda, ah.... walang sinabi iyung single stem rose na nakita ko kanina," sabi pa nito, na tila hindi yata namamalayang nandito na rin kami ni Yoseph sa loob ng bahay. Nakatalikod silang dalawa ni Nanay sa amin habang hawak ni Nanay iyong bulaklak na binigay ni Randell. Nakaramdam ako ng pagkailang. Alam na alam ko namang kahit na si Reggie ang nag-abot nung rose sa akin ay kay Yoseph talaga iyon nanggaling. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Yoseph. Kita ko ang pag-igting ng panga nito na para bang nagpipigil ng emosyon niya. "Nakow! Parang nakikita ko na iyung mga tao bukas sa site. Siguradong tarantang-taranta na naman lahat bukas doon," sabi ni Reggie. "Ha? Bakit? Anong meron bukas sa site ninyo?" takang tanong ni Nanay. "Tiyak po na may puputok na bulkan mamaya, Aling Cita. So hanggang bukas mainit-init pa iyun," sagot ni Reggie kay Nanay. "Ha? Eh, bakit wala namang nababalita sa TV na may sasabog na bulkan?" sagot pa ni Nanay. "Nag-uumpisa na pong mag-alburuto ngayon sa mga oras na ‘to," sagot uli ni Reggie na sa tingin ko ay nag-iiwas ng tingin kay Yoseph. "Ah, ganun ba? Eh, saan naman iyang bulkan na ‘yan?" inosenteng tanong ni Nanay. "Eh, malapit lang po dito sa area natin, Aling Cita." "Ako ba Reggie, eh niloloko mo? Paano naman nagkaroon ng bulkan dito sa Metro Manila? Ha?" inis na sagot ni Nanay. "Aling Cita, marami na pong mga bagay ang hindi na kayang ipaliwanag sa mga panahon na ito. Ewan ko ba kung bakit kasi hindi makayang sabihin na," seryosong sagot ni Reggie. "Ha??" sagot lang sa kaniya ni Nanay, na sinagot lang din ni Reggie ng tawa, "Naku! Mababaliw ako sa iyo, Reggie. Ang mabuti pa, sabayan n’yo na lang kaming kumain. Nagdala ng manok si Randell. Marami naman iyon. Tingin ko, gutom lang yan, Reggie!" naiinis na sabi dito ni Nanay pagkatapos ay binalingan ako. "Maghain ka na roon sa loob ng kusina, Xyrene at bakasakaling pag nakakain na itong si Reggie eh makausap ko na nang matino," utos nito sa akin. "Ay! Kakain talaga kami, Aling Cita.... pero may dala kaming ulam ni Yoseph. Allergic kasi siya sa chicken. Eto po. Especialty ng Mo-- ng mother. Ng nanay ni Yoseph," sabi ni Reggie, sabay nguso kay Yoseph na ikinalingon ko dito. Seryoso pa rin ito, at kanina pa tahimik, na kanina ko pa rin ipinagtataka. "Oh, siya. Sige. Ayusin mo na sa kusina at, tatawagin ko lang iyong dalawang bata." sabi ni Nanay. Nagpauna namang pumasok na ng kusina si Reggie kaya sinamantala ko nang tanungin si Yoseph. "May masakit ba sa yo? Masama bang pakiramdam mo?"nag-aalala kong tanong dito. "Okay lang ako," walang emosyon pa rin nitong sagot. Magtatanong pa sana ako pero iniwan na ako nito para maglakad papunta sa kusina namin. Napabuntonghininga na lang akong sumunod kay Yoseph. Hanggang sa kumakain kami ay tahimik lang si Yoseph, at si Reggie lang ang salita nang salita. Naninibago talaga ako kay Yoseph ngayon. "Nay, bakit may bulaklak dun sa sala. May boyfriend ka na ba dun sa mga ka-chat mong foreigner?" nakangiting tanong ni Xenia, na dumating kasabay si Gary. Nag-angat ng tingin si Nanay, at saka sinamaan ng tingin si Xenia. "Kay Xyrene ‘yan! Hindi akin!" inis na sagot ni Nanay. "Eh, bakit parang masama ang loob mo na kay Xyrene iyong mga bulaklak, at hindi sa yo?" nagbibirong sagot din ni Xenia kay Nanay. Pinipigilan kong mapangiti. Alam kong inis na si Nanay kay Xenia. "Ano bang tinutumbok mo, Xenia? Iyong pakikipag-chat ko ba? Eh, bakit parang ang big deal sa iyo ng pakikipag-chat ko, eh naglilibang lang ang tao? Nakukunsumi na nga ako araw-araw sa kakulitan niyang dalawang anak mo. Para chat lang eh...." pagpatol naman ni Nanay sa biro ni Xenia. "Nagpaalam ka ba kay Tatay na makikipag-chat ka sa iba ha, Nay?" nakangiting sagot ni Xenia. Sa aming dalawa, si Xenia lang ang bukod-tanging nakakapang-asar kay Nanay. "Bakit? Nung nakipaglandian ba siya sa kapitbahay natin dati, nagpaalam din ba siya sa akin? Kung kakampi ka ng Tatay mo, dun ka na sa kanya! Paalagaan mo iyang mga anak mo sa bruhang inasawa niya!" pikon na sagot ni Nanay. Hindi na ako nakatiis, kaya pinagsabihan ko sila. "Ano ba kayo! May mga bisita tayo, oh... nakakahiya kayo," saway ko sa dalawa na tinawanan lang ni Xenia. "Si Nanay kasi, hindi na nasanay sa akin. Ikaw lang ang mahal ko, Nay. Huwag mo kaming palayasin dito sa bahay. Sige ka, mami-miss mo iyang dalawang makukulit na ‘yan," sabay nguso niya sa dalawang bata na inosenteng kumakain. "Kaya ikaw, Xyrene pag nakapasa ka na sa board exam, sa Amerika ka na mag-Nurse. Tapos kunin mo na ako, at iwan na natin itong mag-anak na ito dito!" inis pa ring sabi ni Nanay habang sumusubo ng pagkain. Tumawa lang si Xenia. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Yoseph na tumingin din sa akin. "Lab you, Nay!" pabirong sabi ni Xenia, habang naghuhugas ng mga kamay sa lababo. "Eh, kanino naman galing iyung bulaklak?” tanong uli nito habang paupo sa mesa. “Huwag mong sabihin na si Yoseph ang nagbigay ng bulaklak kay Xyrene?" baling naman ni Xenia kay Yoseph, pero nauna nang sumagot si Reggie. "Ay hindi, Xenia. One stem rose lang ang naibinigay namin ni bosing kay Xyrene. Ibig sabihin nun, nag-iisa lang si Xyrene para sa kanya," nakangiting sabi nito. Napatingin ako kay Yoseph na nakatingin kay Reggie. Malamang mamayang pag-uwi nila, tiyak na mag-aaway itong dalawang ito. "Ha? May iba pa bang nagkakagusto kay Xyrene?" sagot naman ni Xenia. "Si Randell. Iyung dati niyang kaklase sa elementarya. Natiyempuhan iyang si Xyrene nung na-stranded nung isang araw sa daan. Nung malakas ang ulan. Hindi kasi nagdala ng payong,” sagot ni Nanay. Hindi kasi ako sinipot ni Yoseph, ‘Nay… "Ahhhh... iyung de-kotse...." sabi naman ni Gary. Tumikhim ako para mahinto ang usapan nila kay Randell. Nahihiya ako kay Yoseph na puro si Randell ang pinag-uusapan kanina pa, samantalang siya ang naririto. "Eh, ikaw ba Yoseph, may balak ding manligaw kay Xyrene?" tanong ni Nanay kay Yoseph na kakasubo lang ng pagkain sa bibig niya, kaya muntik na itong mahirinan. Pakiramdam ko, ako ang kinakabahan para kay Yoseph. Agad itong uminom ng tubig sa baso niya, at saka bumaling kay Nanay. "Actually po, Aling Cita… ang balak ko po talaga eh, after na ng board exam ni Xyrene ko siya liligawan. Para sana makapag-concentrate siya sa review niya. Pero kung may ibang umaaligid ngayon kay Xyrene, magpapaalam na po ako sa inyo ng intensiyon kong manligaw," mahabang sagot ni Yoseph. "Hindi lang po kay Xyrene, kung hindi sa buong pamilya n’yo na rin po. Patutunayan ko po na karapatdapat ako para kay Xyrene," dagdag pa nito. "Yown!" malakas na segunda ni Reggie. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD