HABANG nasa biyahe papuntang Italy, nakatutok si Wallace sa surveillance aps sa kaniyang cellphone. Nire-review niya ang footage sa kaniyang bahay. Pati pagligo ng kaniyang asawa ay pinanood niya. Humiga siya sa kama at ginawang telebisyon ang footage. Maaga namang nagising si Angelica at nagluto lang ng hotdog at itlog sa almusal. At bago umalis ay binisita nito ang green house. Habang lulan naman ng kotse ay may kausap ito sa cellphone, may isinalpak na earphone sa tainga. “Mom, saan kayo pupunta ni Dad? Uuwi sana ako sa bahay mamaya. Umalis na kasi si Wallace. Baka matatagalan siya kaya sa bahay muna ako mag-stay,” sabi nito sa kausap. Mommy naman pala nito ang kausap. Talagang ayaw nitong matulog sa bahay niya na mag-isa. Pero okay na rin ‘yon para mas safe ito. May security guard n