TALAGANG hindi pinansin ni Angelica si Wallace pag-uwi nito. Umalis na nga si Alejandro kasama ang dalawang aso, at hindi rin sila natuloy ni Vladimir sa Subic. “Honey, nagluto na ako ng dinner. Kain ka na lang, ha?” sabi niya sa asawa. Nasa labas lang siya ng kuwarto nito at bahagyang nakabukas ang pinto. Pero nilagyan niya ng gamot pampatulog ang juice ni Angelica para makuha na nila ang black card. Hindi umimik ang asawa niya pero lumabas din ito kalaunan. Nasa sala siya nang daanan siya nito, ni hindi siya sinipat. Dumiretso na ito sa dining. Umalis si Vladimir upang puntahan si Maya. At once nakausap na nito si Maya, saka siya pupunta sa location nito. Hihintayin lang niyang makatulog ang kaniyang asawa. Habang nakabukas ang telebisyon, busy siya sa pag-review ng footage ng survei