NAALIMPUNGATAN si Angelica dahil sa nakaiiritang kaluskos. Kaya nang magising siya ay dagli niyang kinuha ang kaniyang baril sa ilalim ng foam ng kama. Lampshade lang ang nakabukas kaya hindi niya kaagad nakilala ang lalaking nakatayo sa harap ng study table. Naghahalungkat ito sa kaniyang bag. She thought it’s part of her dream. Naikasa na niya ang kaniyang baril nang magmura ang lalaki. “Put your gun down, honey! May bala ‘yan at baka maiputok mo sa ulo ko!” Nahimasmasan siya nang matanto na asawa pala niya ang lalaki. Sa inis niya’y hinampas niya ito ng baril sa pang-upo. “Ano ba kasi ang ginagawa mo? Diyes oras ng gabi, naghahalungkat ka ng gamit ko! Ano’ng hinahanap mo?” palatak niya. Pumihit naman paharap sa kaniya si Wallace. Itim pa kasi ang damit nito. “I-I’m searching for yo