HININGAL si Angelica kakahabol sa lalaking nahuli niya na sumisilip sa gate ng bahay ni Wallace. Nakasakay na ito sa itim na kotse at humarurot. Iyon pa rin ang kotse na nahuli niyang nagmanman sa bahay. Kasado na ang baril niya pero hindi niya pinaputok dahil walang silencer, baka mabulabog ang kapitbahay. Umaasa siya na hihinto ang lalaki dahil sa baril niya pero hindi man lang natakot. Pagbalik niya sa bahay ay naroon na si Wallace. Nagulat siya nang salubungin siya nito sa gate at mahigpit na niyakap. “Sh*t! I thought you’re gone!” usal nito, bakas sa tinig ang takot. Naipasok na nito sa garahe ang kotse niya. Hindi niya ito maitulak nang matanto na labis itong nag-alala sa kaniya. Hinintay na lamang niya itong kumalas sa kaniya. “I’m fine,” aniya, nang makalaya sa mahigpit na yaka