WALANG makuhang details si Angelica kahit saang website siya maghanap tungkol sa black card. It’s not a typical access card though. May QR code ang card pero wala siyang ideya kung saan ito puwedeng ma-scan. She tried multiple scanning application, maging sa tracking system niya. Sumuko na siya sa kaka-research at itinago muna ang card. Umuwi siya roon sa bahay ni Wallace dahil sabi ng daddy niya ay pabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa. Maaring kinabukasan pa uuwi si Wallace pero dahil nairita na siya sa sermon ng ama, umalis na siya ng bahay. Tambak na ang labahin niya pero konti lang ang kaniyang nilabhan. Pagkatapos ay naglinis siya ng bahay. May dala naman siyang pagkain kaya hindi na siya nagluto ng hapunan. Inipon niya ang mga basura sa garbage bag upang itapon sa basurahan s