NAPAHAPLOS si Ricci sa kaniyang ibabang labi habang nakaupo sa couch sa living room at aliw na aliw sa kaniyang tinititigang litrato.
A perfect face—pointed nose, long, thick eyebrows, striking ash-grey eyes, and heart-shaped lips.
What a breathtaking woman.
May ilang minuto na yata siyang nakatitig sa litrato ng hawak niyang russian passport na nakuha niya kanina sa likod ng pinto ng kaniyang bathroom.
“Sylvienne Ferare,” mahina niyang basa sa nakasulat na pangalan sa passport. “So that's your name, huh?” A slow smile curved his lips, dark amusement flickering in his eyes.
“Sylvienne . . . Sylvienne . . .” he repeated the name, savoring it like a secret he was eager to uncover.
Mula sa kaniyang likuran ay nagsikuhan naman ang tatlo niyang mga tauhan na sina Zandre, Randy at Migo. Panay senyas na ng mga ito sa isa't isa dahil mula kanina pa siya pinapanood sa pagtitig niya sa litrato na parang may sarili nang mundo.
“Tinamaan na yata si Boss sa babae,” pasenyas na usal ng bibig ni Randy.
“Masama ’to, hindi siya puwedeng ma-inlove sa kalaban,” usal naman ni Migo. Nagchi-chismisan na silang tatlo sa pamamagitan ng walang boses na pagsasalita at pagsenyas sa isa't isa habang nasa likuran ng kanilang boss.
Hanggang sa hindi na nakatiis pa si Migo at nagsalita na.
“Ang ganda niya, boss, pero napakabata pa. Mukhang half russian yata ’yan at half Filipino, kasi kahit mukhang Russian ay magaling pala magtagalog. Pero baka patibong lang ’yang passport na 'yan, at malamang kasinungalingan lang ang sinasabi niya kanina na anak siya ng dating may-ari nitong mansyon.”
“Paano kung pinadala pala siya ng kalaban para akitin ka, boss?” wika naman ni Randy. “At kapag naakit ka na, siyempre makukuha na niya ang loob mo at tiwala. At doon na lulubog ang grupo natin.”
“Oo nga, boss, malamang gano'n nga,” dugtong ni Zandre. “Kasi kung hindi, bakit niya nagawang maligo sa loob ng bathroom mo? So malamang inaakit ka niya.”
Para namang umusok bigla ang ilong at tainga ni Ricci sa narinig mula sa mga tauhan.
“Mga hangal!” galit niyang asik at mabilis nang sinara ang passport kahit hindi pa niya tapos titigan. “Ano'ng akala niyo sa akin, maaakit sa ganitong klase ng babae!?”
“Bakit, hindi ba, boss?” ngising sagot ni Zandre. “Pansin ko lang kasi mukhang type mo yata. Nakita ko kanina, iba kung titigan mo ang mukha niya, at ngayon ay hindi naman maalis-alis ang tingin mo sa litrato niya.”
Napapikit na lang si Ricci.
Damn it!
“Are you f*****g stupid?!” sigaw na niya at napatayo na lang bigla. “Malamang tinitigan ko ang mukha niya kanina para mabasa ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya at kung ano ang pinaplano niya!”
Parang nagulat naman ang tatlo niyang tauhan. Napatikhim na lang ang mga ito na pare-parehong napayuko pero pasimple namang nagsikuhan.
“At tinitingnan ko ngayon ang passport niya dahil napakapamilyar ng apelyido niya!” muling depensa ni Ricci na akala mo'y galit at patapon nang binitiwan ang passport sa ibabaw ng center table. “Paki-background check ang babaeng 'yan, Zandre. Alamin mo kung sino talaga siya at kaninong grupo, or kung totoo ba ang sinasabi niya na anak siya nitong may-ari ng bahay.”
Agad naman tumango ang kanang kamay niyang tauhan na si Zandre.
“Masusunod, boss, ako na ang bahala sa kaniya,” sagot nito at dinampot na ang passport. “Pero ano na ang gagawin natin doon sa babaeng ’yon ngayon, boss? Masyado siyang delikado. Malamang kalaban talaga ’yon, dapat i-torture natin para umamin kung kaninong grupo siya.”
“Ako na ang bahala sa kaniya. Ang mas mabuti pa ay ilipat niyo na ang mga produkto natin sa Casa Altagracia. Hindi na tayo sigurado sa bahay na ’to na baka may bigla na lang dumating dahil sa babaeng ’yon. Pulis man o kalaban, mas mabuti na ang nag-iingat tayo.”
“Masusunod, boss, ngayon din ililipat na namin.”
“At kayong dalawa, pakikuha ng babae sa kuwarto.”
“Yes, boss!”
MULA sa loob ng kuwarto ay parang maiiyak naman si Sylvienne habang nakatali sa kama at nakaposas pa ang mga kamay.
May dalawang oras na siyang nakatali nang mag-isa sa loob ng kaniyang dating kuwarto. Nangngawit na siya, sumasakit na ang kamay niya at buong katawan dahil hindi siya makagalaw ng maayos.
Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makatakas. Ngunit paano niya gagawin kung ganitong nakatali siya? Hindi na rin niya alam kung saan na niya nalaglag ang kaniyang phone sa pagtakbo niya kanina. Pero sana lang ay hindi ito mahanap ng mga lalaking ’yon, dahil paniguradong malalaman na ng mga ito kung kanino anak siya at baka mabisto pa na isang mafia boss ang kaniyang ama.
Kung bakit naman kasi sinabi pa niya kanina na anak siya ng isang makapangyarihan na mafia boss.
Maliban kasi sa mga tauhan ng kaniyang ama at kasusyo sa mga illegal na negosyo ay walang nakakakilala rito bilang isang malupit na mafia boss. Ang pagkakakilala lang kasi ng lahat ay isang mayaman na negosyante lang ang kaniyang ama na nagmamay-ari lang ng malaking pasugalan sa bansa at iba pang mga legal na negosyo.
Pinikit na lang niya ang kaniyang mga mata at hindi na nagpumiglas pa, dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makawala dahil sa higpit ng pagkakatali sa kaniya. Lubid ba naman ang ginamit, at itinali siya kasama ng kama, nakaposas pa ang kamay sa kaniyang likuran. Pero kahit papaano ay maginhawa naman ng konti dahil sa kama siya itinali, kaya hindi masakit sa pang-upo at likod dahil nakasandal siya sa headboard ng kama.
Ilang sandali pa ang lumipas ay napamulat na siya nang marinig ang pagbukas ng pinto.
Ngunit hindi ’yong lalaking nagtali sa kaniya ang pumasok kundi ang dalawang tauhan nito.
“Pinapasundo ka ni boss Ricci, kakain na raw sa baba!” wika ng isang lalaki, at inalis na ng mga ito ang pagkakatali sa kaniya.
Kinaladkad na siya palabas ng kuwarto habang nakaposas pa rin ang mga kamay sa kaniyang likuran.
“Puwede ba, dahan-dahan lang!” she glared at them.
Nginisian naman siya ng dalawang lalaki. “Aba, bihag ka na pero matapang ka pa. Tingnan na lang natin kung anong gagawin sa ’yo ni boss mamaya. Paniguradong hindi ka na sisikatan pa ng araw bago mag-umaga.”
Hindi niya mapigilan ang mapalunok sa narinig at tumahimik na lang.
Dinala siya ng mga ito sa loob ng malawak na dining room, and there, sitting at the head of a long table like a king, was Ricci—ang lalaking nagtali sa kaniya. Dressed in nothing but a white ribbed tank top, his muscular arms flexed as he leaned back in his seat, exuding an effortless dominance that sent unease curling in her stomach.
“Nandito na ang spy, boss!” anunsyo ng tauhan nitong kumaladkad sa kaniya.
Sumenyas lang ito sa dalawang tauhan. Kaya naman marahas na siyang pinaupo ng mga ito sa isang bakanteng upuan.
Nang mapatingin si Sylvienne sa mga pagkain na nakahanda sa table ay hindi niya mapigilan ang mapalunok, dahil parang bigla siyang nagutom. Mukhang puro mga masasarap ang nakahanda at mga pagkaing pinoy na sobrang na-miss niya.
“Nagutom ka na? Kumain ka.”
Napaangat ang tingin niya sa nagsalita, kay Ricci.
Umasim na ang kaniyang ekspresyon. “Ulol ka ba? How the hell am I supposed to eat when I’m tied up?!” asar niyang sagot dito.
Parang hindi naman makapaniwala ang dalawang tauhan nito na sina Randy at Migo.
“Aba, ang talas ng tabas ng dila nito kay boss, ah.”
“Hoy, huwag kang magtapang-tapangan dito,” nilakihan siya ng mata ni Migo. “Dahil kapag nainis sa ’yo si boss, isang bala ka lang!”
Ngunit imbes na matakot, Sylvienne just rolled her eyes, refusing to give them the satisfaction of fear.
Ricci chuckled lowly, the sound dark and unreadable. Then, with another flick of his fingers, he gave the order.
“Sige, subuan niyo.”
“Masusunod, boss.”
Naupo na sina Migo at Randy sa magkabila niyang tabi.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ni Migo sa kaniya.
Napatingin siya sa mga pagkain at napalunok nang makita ang sisig na paborito lang naman niya.
“Ah gusto mo ng sisig?” pagtango-tango ni Randy at agad na dinampot ang kutsara, nilagyan nito ng sisig bago nilapit na sa bibig niya.
Excited naman niyang binuka ang kaniyang bibig.
Akala niya makakain na niya ang sisig. Pero imbes na isubo sa kaniya ay pinahabol-habol pa ang bibig niya.
Para siyang nagmistulang aso na nganga ng nganga ang bibig habang hinahabol ang kutsarang may sisig.
Pero sa huli ay bigla na lang itong sinubo ni Randy sa bibig ni Migo.
Nagtawanan na ang mga ito.
Sumama naman ang kaniyang tingin na parang gusto na lang manapak kung hindi lang siya nakatali.
“Ano ka ba naman, Randy. Ang mga babae, hindi dapat ginugutom,” kunwari’y pag-iling-iling ni Migo at dumampot na rin ng kutsara, nilagyan din ng sisig bago nilapit sa bibig ni Sylvienne.
She opened her mouth again, akala niya ay makakain na siya, pero gano'n pa rin dahil pinahabol din siya sa kutsara, at sa huli ay sinubo rin ni Migo sa bibig ni Randy bago nagtawanan ang mga ito na tila ba tuwang-tuwa sa kanilang kalokohan.
Nanggigil na si Sylvienne at parang sasabog na sa galit. Her fists clenched behind her back, her entire body humming with the urge to retaliate.
Mula naman sa kabilang upuan, Ricci let out a quiet chuckle, shaking his head in amusement. “Mga tanga, pinaglalaruan ang paslit na babae.”
Biglang napabaling ang tingin ni Sylvienne sa narinig at agad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Ako, paslit?” she spat. “Are you saying I'm a child?”
Ricci smirked. “Yes, you are.”
Nagngitngit bigla si Sylvienne. “I'm not a kid, you idiot!”
“So you're an adult?”
“Hindi ba obvious?”
Ricci’s smirk deepened, amusement flickering in his eyes like a challenge. “Then tell me . . . are you ready to get married?”
Sylvienne blinked, her lips parting slightly. “What?”
Ngumisi lang si Ricci at sumenyas na sa dalawang tauhan. “Bring her closer. I’ll feed her myself.”
“Yes, boss!”
Before she could protest, her chair scraped against the floor as Randy and Migo shoved her forward, stopping just inches from their boss.
Pagkalapit niya kay Ricci ay sandali pa siya nitong pinagmasdan bago muling sumilay ang munting ngisi sa labi nito. Then, without breaking eye contact, he picked up a piece of fried chicken and held it to her lips.
She stared at it, unmoving.
He raised a brow. “What? Not hungry anymore?”
Her lips curled into a stubborn pout. “I want sisig.”
He chuckled amusingly. “Picky little thing,” iling na usal nito pero sumenyas naman sa isang tauhan.
Nilapit naman ni Randy ang sisig sa boss.
Nang mailapit na ay dinampot ni Ricci ang kutsara at nilagyan ng sisig.
Napangiti na lang si Sylvienne nang tuluyan na niyang natikman ang sisig. Hindi siya pinaglaruan pa ni Ricci at diretso lang sinubuan, hindi katulad ng dalawa nitong tauhan.
Sa isang iglap ay parang nawala ang inis niya dahil sa sarap ng sisig.
Nagkaroon naman ng lihim na ngiti sa mga mata ni Ricci habang pinagmamasdan siya nito na parang aliw na aliw na sa pagtitig sa kaniya habang nasasarapan sa pagkain.
Ngunit sa pangalawang pagsubo ng sisig ni Ricci sa kaniya ay napahinto siya bigla nang maramdaman ang paghaplos sa kaniyang ibabang labi.
Her breath caught.
But he didn’t stop there.
Instead, he let his fingertip slide past her lips, slow and deliberate, grazing against her tongue.
Her heart stuttered.
It wasn’t an accident. It wasn’t casual.
He was doing it on purpose.
Ricci smirked, his gaze locked onto hers, dark and full of amusement. “Good girl,” he murmured, voice deep and smooth.
Sa isang iglap ay parang bumalik ang inis ni Sylvienne.
This bastard!
Kaya naman imbes na lunukin na niya ang sisig sa kaniyang bibig ay bigla niya itong binuga lahat papunta sa mukha ni Ricci.
“Boss!” gulat na sigaw ng dalawang tauhan nito na parang nanlaki ang mga mata sa nasaksihan.
Ricci didn’t move at first. A piece of sisig slid down his cheek, landing on his shirt.
His jaw clenched. His temple twitched.
“Tangina,” nakapikit na sambit nito na puno na ng gigil at umigting pa ang ugat sa sentido.
“Boss!” Mabilis na lumapit sina Randy at Migo—sabay na dumampot ng tissue, pinunasan na ang mukha ng kanilang boss.
Hindi na napigilan ni Sylvienne ang matawa. “You deserved it, asshole. Ang lakas ng loob mong isubo sa bibig ko ang maruming mong daliri.”
Ricci’s jaw clenched, his eyes still shut as he let his men clean him up. His entire body radiated tension, but he remained eerily still.
Nang matapos punasan ng tauhan ay bigla nang tumayo si Ricci sabay dampot sa isang basong tubig at mabilis na hinawakan ang kaniyang panga sabay pisil ng malakas.
Napanganga naman siya, at doon na nito binuhos lahat sa bibig niya ang isang basong tubig.
Ubong-ubo na siya nang matapos.
“You son of a b***h!” she gasped, coughing violently, water dripping down her chin as she glared up at him with rage.
But Ricci didn’t let go.
Didn’t even flinch.
His fingers lingered, his thumb brushing slowly over the corner of her lips, smearing the moisture there. His gaze locked onto her mouth, his breathing shifting—deeper, heavier.
“You’re in my territory,” he murmured, voice low, thick with something dangerous. “You need to learn when to behave.”
Saglit silang nagtagisan ng titig habang nakatingala siya rito at hawak pa rin nito ang panga niya pero hindi na mahigpit.
Pero naputol ang kanilang titigan nang may pumasok.
“Boss, may napulot kaming cellphone sa labas. Mukhang pag-aari ng babaeng ’yan, siya ang nasa wallpaper!” Si Alturo ang pumasok, ang tauhan na natamaan ng baril.
Doon ay saka siya binitiwan ni Ricci at kinuha ang phone sa tauhan.
Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang phone niya.
No way!
Muli ay napangisi si Ricci nang makita ang wallpaper sa phone at bumalik na ito ng upo sa upuan.
“Ano’ng password nito?” tanong nito sa kaniya.
She scoffed, lips curling into a smirk. “Do I look stupid enough to tell you?”
Tiningnan na siya nito at muling sumama ang tingin sa kaniya. Pero sa isang iglap ay biglang tumayo at hinawakan ang panga niya, pinaharap siya sa camera ng phone para sana i-scan ang kaniyang mukha at nang ma-unlock.
Pero mabilis naman niyang sinara ang kaniyang mga mata at sumimangot sa camera.
The phone didn’t unlock.
“Damn it. Open your f*****g eyes!” he growled, frustration lacing his voice.
Pero ngumuso lang siya sa camera at hindi pa rin binuksan ang kaniyang mga mata.
Ricci stilled. His irritation flickered—replaced by something else.
His grip on her jaw tightened slightly, but his focus had shifted.
That pout.
Sa isang iglap ay parang nakalimutan na ni Ricci ang ginagawa at napalunok na, tila ba biglang nahipnotismo nang mapatitig na sa nakangusong labi na may butil pa ng tubig na natira.
His Adam’s apple bobbed as he swallowed.
For a moment, he forgot what he was doing.
Forgot why he was even angry.
The room faded. His men, the phone, the whole situation—it all stopped mattering.
All he could see was her.
“Napakapasaway talaga ng babaeng 'yan, boss. Sapakin mo na lang kaya.”
Doon ay biglang natauhan si Ricci nang magsalita ang tauhan na si Alturo.
Mabilis na nitong binitiwan ang panga niya na akala mo'y biglang nakuryente.
“Subuan niyo 'yan, huwag niyo nang paglaruan pa,” utos na lang nito ay mabilis nang lumabas ng dining room dala ang phone.
Napangisi na lang si Sylvienne at napatingin sa dalawang naiwan na tauhan, kina Randy at Migo.
“Well? What are you waiting for, idiots? Feed me now, gutom na ako!”