CHAPTER 5

2492 Words
AFTER they fed her, they took her back to the room and tied her to the bed again. Tanging pagsimangot na lang ang nagawa ni Sylvienne, dahil nakasuot pa rin siya ng bathrobe at pakiramdam niya ay isang maling kilos niya ay puwede siyang masilipan, lalo na't wala siyang suot na panloob. “Makatakas lang talaga ako rito, I’ll make sure every single one of you begs for mercy before I take your last breath,” gigil na lang niyang sambit nang mag-isa at sumandal na lang sa headboard ng kama. Hindi nagtagal ay bumukas bigla ang pinto. Pumasok si Ricci dala ang tumutunog na phone at agad itong lumapit sa kaniya, umakyat sa kama at huminto sa harap niya. “Answer the call,” he commanded, his voice low and edged with warning. “And don’t say the wrong thing.” Sinagot na nito ang tawag at diretsong ni-loudspeaker. “Sylvienne!” bungad ng boses ng kaniyang Ina sa galit na boses. “Go to the airport right now! Kevic is on his way to get you. Wait for him there!” “No, Mom. I can’t leave because I’m ti—” She froze. The cold steel of a gun pressed against her lips. Ricci's pistol. “Don’t. You. Dare,” he mouthed, the slow drag of metal sending a violent shiver down her spine. Pinadaan na ang dulo ng baril nito sa kaniyang labi pababa sa kaniyang leeg, hanggang sa huminto sa kaniyang dibdib kung saan banda ang puso niya at doon na nito itinutok. “Tell her you’re safe. Tell her you don’t want to go back,” bulong nito sa puno ng tainga niya na puno ng pagbabanta. “Say one wrong word, and I’ll pull the trigger.” Napalunok naman siya at biglang nakaramdam ng takot na baka totohanin nito ang banta. “N-no, Mom,” she stammered, forcing the words past her trembling lips. “I don’t want to go back to Russia.” Her fingers curled into fists as her pulse pounded in her ears. “I-I'm at Dad’s mansion now, Mom. So please… don’t worry about me. I’m fine here.” Matapos niyang sabihin 'yon ay pinatay na ni Ricci ang call at ngumisi na sa kaniya. “Good girl,” paghaplos-haplos na nito sa kaniyang ulo at inalis na rin ang pagtutok ng baril. “Ganiyan ang gusto ko, masunurin na parang isang tuta.” Parang umusok ang tainga niya sa sinabi nito. Tuta? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ’to para ihalintulad siya sa isang aso! “So, do you believe me now? I’m not a spy! I’m the daughter of this mansion’s former owner, so let me go!” Ricci let out a quiet laugh. “Nah, I can't let you go, baby.” His voice was pure amusement as he climbed off the bed. “You walked into my territory without permission. So hindi ka na makakalabas pa rito nang wala ang pahintulot ko.” She huffed. “What the hell? Are you planning to keep me here forever?” Hindi na siya nito sinagot pa at pumasok na ng bathroom. Napasipa na lang siya sa inis kahit nakatali. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas na ang pinto ang bathroom. Ricci stepped out, a gray towel wrapped around his waist, with water droplets still trickling down his hair and body, gliding over the contours of his abs and biceps. Napahinto naman ang tingin ni Sylvienne sa katawan nito. Mula sa nakatapis nitong tuwalya ay unti-unting tumaas ang kaniyang tingin sa katawan nito, at napalunok siya nang saglit na huminto ang kaniyang mga mata sa nakakaakit nitong mga abs. Hanggang sa tuluyan nang huminto ang tingin niya sa mukha nito. Ngunit hindi niya inaasahan na nakatingin din sa kaniya si Ricci at nakita ang pagpasada ng tingin niya sa katawan nito. A smirk curled on his lips. “What was that look for?” His voice was laced with amusement. “Don’t tell me you like what you see.” Napasimangot naman siya na parang napahiya. “Eww. In your dreams,” she scoffed, rolling her eyes and looking away. Pero ang puso niya ay ramdam niya pagwawala sa loob ng dibdib niya. Napangisi lang si Ricci at napailing. Pumasok na ito sa dressing room. Hindi nagtagal ay bumalik na ito at nakabihis na ng simpleng pantulog na itim na pajama at puting shirt. “Let me go. I need to take a bath,” she said. “Alright,” simpleng sagot naman nito at inalis na nga ang pagkakatali sa kaniya, pati pagkakaposas. Para naman siyang mabunutan ng tinik nang tuluyan nang makawala sa pagkakagapos at mabilis na bumaba ng kama. “Don't even think about causing trouble,” banta pa nito sa kaniya. Pero tumakbo na siya papasok ng bathroom dahil naiihi na siya. Ni-lock niya ang pinto, sinigurado na hindi mabubuksan mula sa labas bago siya umihi at naligo muli. Nagdalawang isip pa siya kung gagamitin pa ba ang mga sabon at iba pang gamit panligo. Pero sa huli ay wala siyang choice kundi gamitin na lang, pati ang toothbrush ay ginamit na rin niya, dahil mukhang hindi pa naman nagagamit. Nag-half bath lang siya, dahil pinawisan siya kanina mula sa pagkakatali. Nang matapos mag-half bath ay lumabas na siya ng bathroom suot ang panibagong gray bathrobe. Nakaupo na si Ricci sa kama at nakasandal sa headboard nito. Agad na nagtama ang kanilang mga mata, pero agad siyang umiwas ng tingin. “I—I need to change,” she stammered, gripping the robe tighter. “But I don’t have any clothes.” Ilang sandali pa siya nitong tinitigan. “Sa dressing room, pumili ka ng magkasya sa ’yo.” Napairap na lang siya at pumasok na sa dressing room nito. Pagkapasok niya ay agad siyang naghanap. Hindi na siya nagpakahirap pa at kinuha na lang ang isang white long sleeve polo. Pero napahinto siya nang mapagtantong wala pala siyang masusuot na panloob, bra at panty, dahil basa na ang pinaghubaran niya. Pero wala na siyang choice, kaysa naman manatili siya sa bathrobe nang walang suot na panloob, mas lalo siyang masisilipan sa gano'n. Kaya naman sinuot na lang niya ang polo at kumuha na rin siya ng boxer—na kahit malaki sa kaniya ay pinilipit na lang niya ang gilid at inipit para hindi mahulog. Matapos magbihis, she stepped out of the dressing room, instinctively folding her arms over her chest, hoping to hide the fact that she wasn’t wearing a bra. Pagbalik niya sa room ay nakasandal pa rin si Ricci sa headboard, tila hinihintay ang pagbabalik niya. At nang makita na siya nito ay agad siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Pansin niya ang paglunok nito. “Stop looking at me like that—like you’re stripping me bare with your eyes!” galit na sita niya rito na hindi na nakapagpigil pa. Para naman natauhan si Ricci na agad na iniwas ang tingin at napatikhim. “Tsk. Why would I? You’re not even my type,” he drawled, his tone laced with mockery. But the slight clench of his jaw betrayed him. Kinuha na nito ang posas at bumaba na ng kama, diretsong lumapit sa kaniya. Napaatras naman siya. “A-ano'ng gagawin mo?” Tiningnan lang siya nito ng masama bago mabilis na lumapit sa kaniya at inagaw ang isa niyang kamay, nilagyan ng posas at ipinosas papunta sa isa nitong kamay. Agad naman nagsalubong ang mga kilay niya. “What are you doing?” Imbes na sagutin siya nito ay nahinto na ang tingin sa dibdib niya. Confused, she followed his eyes, and her breath caught. Damn. Her n*****s were visible through the thin fabric of the polo. “You pervert!” she yelled, shoving him hard in the face. Parang nagulat naman si Ricci na muntik pang mawalan ng balanse. “Tsk. You're not my type para bastusin kita!” asar na sagot nito na pinanlakihan pa siya ng mata bago mabilis nang bumalik sa taas ng kama. At dahil nakaposas na ang kamay niya sa kamay nito ay nahila rin siya paakyat sa kama. “T-teka, sinasabi mo bang tatabi ako sa ’yo matulog habang nakaposas tayo sa isa't isa?” “You don’t have a choice—unless you’d prefer to be tied up outside, left at the mercy of the mosquitoes, and drained to the bone before sunrise,” tamad na sagot nito bago nahiga na sa kama. Napasimangot naman siya na parang gusto pang umangal. Pero sa isipin na patutulugin siya sa labas habang nakatali, parang natakot siya bigla. Malamang malamok nga sa labas at baka kagatin pa siya ng mga langgam, magka-rashes pa siya, masira pa ang maganda niyang skin. Napilitan na lang din siyang mahiga sa kama. Pero pagkahiga niya ay biglang hinawakan ni Ricci ang kumot at tinapon sa katawan niya. “Cover yourself. Baka mandilim pa ang paningin ko sa 'yo at kung ano pang magawa ko,” utos nito sa kaniya bago tumalikod ng higa. Pero dahil nakaposas siya sa kamay nito ay nahila siya at napasubsob ang kaniyang dibdib likod ng braso nito. "What the hell!” galit nitong paglingon sa kaniya na parang nagulat. “Are you trying to seduce me!” Her jaw dropped in disbelief. "Seducing you? Eww. No way! ” she shot back, her voice dripping with disgust. “The audacity to even think that. For your information, you're not my type either!” Sumama ang tingin ni Ricci sa kaniya at parang umigting saglit ang panga. “Pasalamat ka babae ka,” usal na lang nito at inirapan pa siya bago pinikit na ang mga mata. “Matutulog ka na. Ayoko ng malikot at maingay. So behave. I'm warning you.” Tanging pag-irap na lang ang nagawa niya at hindi na sumagot pa. Namayani na ang katahimikan sa loob ng kuwarto. Nakatingin lang si Sylvienne sa kisame at nag-isip ng dapat niyang gawin kung paano makatakas gayong nakaposas naman ang kamay niya. Kailangan niyang makuha ang susi para makawala. Pero paano niya gagawin? Pasimple siyang napatingin sa tabi niya at napangisi na lang nang may maisip na plano. Sinara na rin niya ang mga mata para kunwari ay matulog na rin. Lumipas ang halos dalawang oras, hindi na niya naramdaman pa ang paggalaw ni Ricci sa tabi niya. Mukhang tulog na ito dahil rinig na rinig na niya ang malalim na paghinga. Marahan na niyang minulat ang kaniyang mga at pasimple itong tiningnan. Nakita niyang nakapikit habang nakahiga nang patihaya. Mahina niyang ginalaw ang kamay niyang nakaposas at baka sakaling magising ito. Pero hindi, nakapikit pa rin ang mga mata nito at mabigat pa rin ang paghinga. Sinubukan pa niyang ipaton ang kaniyang paa sa mga paa nito, pero gano'n pa rin ito. Napangisi na siya at maingat nang bumangon. Lumapit na siya rito at napatingin sa suot nitong pajama. Nang makita niya ang bulsa ay maingat na niyang pinasok ang kaniyang isang kamay na hindi nakaposas, nagbabakasali na mahahanap niya ang susi sa loob. Pero wala. Nang pasukin ng kamay niya ang kabilang bulsa ay gano'n pa rin, walang laman. Nagpalinga-linga na siya sa loob ng kama, hanggang sa nahinto ang tingin niya sa drawer at nakita niyang naroon ang phone niya nakapatong. Kailangan niyang makuha at makapagpadala ng text message sa mommy niya para malaman nito ang sitwasyon niya at ma-rescue siya. Pero paano siya makakababa ng kama kung nakaposas siya? Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis nang naupo sa ibabaw ng tiyan nito bago ito diretso sinakal sa leeg. Gulat na napamulat si Ricci at nanlaki ang mga mata. “You son of a b***h, I’m going to kill you!” gigil niyang wika rito nang nakangisi at buong gigil na itong sinakal gamit ang kaniyang dalawang mga kamay. Umigting ang ugat sa sentido ni Ricci. Then, in an instant, everything flipped. Namalayan na lang ni Sylvienne na siya ang napahiga sa kama. She was beneath him. Pinned. Trapped. And before she could even think—his lips crushed against hers. Namilog ang mga mata ni Sylvienne pagkabigla. Sa unang pagkakataon ay nahalikan ang labi niya. Pero hindi lang simpleng halik. He kissed her hard. Pakiramdam niya ay masisira na ang bibig niya dahil sa klase ng halik nito sa kaniya na agad na sinipsip ang ibaba at taas ng labi niya. Nang matuhan siya sa pagkagulat ay agad siyang nagpumiglas. She twisted beneath him, trying to turn away, but he held her in place. His grip was firm, his body pressing her down as he deepened the kiss. She gasped against his mouth, and he took advantage, sliding his tongue against hers, making her shiver. She wanted to fight. She wanted to push him away. But her body betrayed her. A slow, insidious heat unfurled inside her, winding through her veins like fire. Basta naramdaman na lang niya ang paghuli nito sa dila niya at diretsong sinipsip nang walang halong pandidiri. Pakiramdam niya ay para siyang nakalimot saglit dahil sa ginawa nito at nahinto bigla ang pagpumiglas niya. Muntik na rin niyang ipikit ang mga mata niya, dahil parang hinila na ang buong kaluluwa niya dahil sa halik nito. Pero sa kaniyang paghinto ay siya ring unti-unti paghinto ni Ricci. He pulled back slightly, his breath warm against her lips. Nagtama na ang kanilang mga nag-aapoy na mata habang pareho nilang habol ang kanilang hininga. “You want to escape?” he asked, his voice low and edged with something dangerous. “Do you really think I’d let that happen?” Her throat tightened. She couldn’t answer. Hanggang sa muntik na niyang mahigit ang kaniyang paghinga nang haplosin nito ang pisngi niya. “No, little wildcat,” he murmured, his thumb brushing against her parted lips. His eyes burned into hers. “You’re not going anywhere . . . You belong to me now.” Matapos nitong sabihin iyon ay muli nang siniil ng halik ang labi niya. But this time, hindi na niya hinayaan pang matalo siya ng tukso at malakas na niyang tinuhod ang pagitan ng mga hita nito. “Ah—f**k!” he cursed. Nabitiwan siya nito at napagulong ng higa sa kama habang hawak na ang nasipa na p*********i. “You son of a b***h!” galit na niyang sigaw rito. Her body trembled—not from fear, but from sheer frustration. “How dare you steal my first kiss?!” Without giving him a chance to recover, she kicked him hard in the side. “Hindi mo lang ninakaw ang first kiss ko kundi sinira mo pa dahil sa klase ng halik mo, you asshole!” Ricci groaned, still gasping for breath, but even through the pain, a slow smirk curled at his lips. “Feisty,” he rasped, chuckling despite the agony. His eyes gleamed with something dark, something dangerously amused. “I like that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD