CHAPTER 32. LIYAN

1523 Words

ANO NGA BA ang salitang kalayaan? Ilang beses na iyang pumapasok sa isipan ni Cythe subalit mistula itong boomerang na pabalik-balik din ang pinupunto -- blangko. Kalayaan bang maituturing kung palaging nakasangla ang sarili niyang buhay? May kalayaan pa ba sa katulad niyang ikinulong sa mundo ng Yuteria? O saan ba ang sinasabing kalayaan kung ang buhay niya ay tumatakbo lang sa kaniyang pagkakamali? Kung maitatama ba niya ang lahat, maibalik sa dati si Jether, patawarin siya ng mga pinagkakautangan niya, magkakaroon na ba siya ng kalayaan? Mistula siyang ibon na katangi-tangi, ngunit walang kakayahan na lumipad. Kung pwede lang gamitin ang kaniyang mga pakpak, tumakas na sana siya sa lahat ng kaniyang pasanin. Kaso . . walang ganoon. Masakit mang aminin pero wala na yatang ganoon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD