HABANG palapit nang palapit ang oras ng pagkikita ni Candy at ni Mhorric, lalong lumalakas ang kabog sa kaniyang dibdib. “Okay ka lang?” Napasulyap si Candy kay Nastya na siyang kasama niya ngayon sa isang pribadong silid. Naupo ito sa katabi niyang upuan. Nasa pangalawang palapag ng Club House ang silid na iyon. At buhat sa kanilang kinaroroonan ay kitang-kita nila sa may terrace ang nangyayari sa ibabang bahagi ng Club House. Nakaupo siya sa naroong malambot na silya. “Okay lang ako,” aniya kay Nastya. Tinanggap niya ang inabot nitong baso na may lamang tubig. Kanina pa nga parang nanunuyo ang kaniyang lalamunan. “I think, si Mhorric na ‘yon,” itinuro pa nito ang lalaking naka-side view na kausap nina Kienlee at Keigo. Napalunok si Candy. Kilala niya ang bulto ni Mhorric. Kaunting