“HAPPY now?” pilyong tanong ni Blair kay Mhorric nang lapitan nito ang kaibigan. “Damn you,” sa halip ay sagot ni Mhorric kay Blair. “All this time, may alam ka pala kung nasaan si Candy? Tapos, kung maka-react ka sa mga sentiments ko, daig mo pa ang walang kaalam-alam. You’re such a great—” “Actor?” agaw pa ni Blair sa litanya ni Mhorric. “Bastard,” ani Mhorric na ikinatawa lang ni Blair. “Kalma na. Kasama mo na si Candy ngayon. Sino ba ang may kasalanan kung bakit siya umalis sa poder mo? Ako ba? ‘Di ba, ikaw? Mhorric, pinagkatiwalaan lang ako ng kabilang panig. Ayaw ko namang sirain ‘yon. Baka isipin ng fiancee mo, hindi ako mapagkakatiwalaan.” “Akala ko ba, magkaibigan tayo?” “Oo nga. Pero, fiancee si Candy ng matalik kong kaibigan. One week ang palugit na ibinigay sa akin nina M