ARAW-ARAW na walang paglagyan ang saya ni Candy. Pangarap lang niya iyong ganito noon. Na maparanas ang ganoong leisure para sa pamilya niya. Higit sa lahat ay sa kaniyang Nanay at Tatay. Pamper na pamper ang mga ito, ganoon din ang kaniyang mga kapatid. Si Avery at Angel Rose, umiyak pa sa kaniya noong isang araw. Ani ng mga ito ay hindi pa rin daw makapaniwala na nakatapak ang mga ito sa UHB Leisure Club at na-meet ng personal ang mga member ng UHB Leisure Club na sa magazine at social media lang nakikita ng mga ito. Si Henrick naman ay hindi na kinantiyawan pa ang dalawang kapatid, bagkus ay siya pang tumayong photographer ng dalawa niyang kapatid. Nang mga sandali ngang iyon ay nakayakap sa baywang niya, ang bunso niyang kapatid na si Avery. “Ate…” ungot pa nito. “Hmmm?” “Puwede b