NAALIMPUNGATAN si Candy sa mabigat na kung anong nakadagan sa kaniyang katawan. Pupungas-pungas na nagmulat siya ng mga mata. Kadiliman lang ang nakita niya. Bakit may mabigat? aniya sa kaniyang isipan. Gamit ang kanang kamay ay kinapa niya kung ano iyon. Natigilan siya nang makapa ang binti na nakadantay sa kaniya kaya hindi siya makakilos. May bisig din na nakayakap sa kaniyang katawan. Sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang katabi kung matulog sa kaniyang higaan. May sarili siyang kama. Si Angel Rose at Avery ay nakahiga sa double deck na kama sa silid nila. Napalunok si Candy nang bumalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari kagabi. Saka lang tumino sa kaniyang isipan ang lahat. Kung ganoon… si Mhorric ang nakadantay at nakayakap sa kaniya nang mga sandaling iyon. Daig pa niya a