SA MISMONG reception area ng kasal nina Candy at Mhorric, na ginanap sa pavilion hall na nasa may Club House ay doon na bumuhos ang pinipigilang emosyon ni Candy. Nasa unahan sila ng pavilion at nakaupo sa animo pang hari at reyna na upuan. “Thank you so much po sa inyong lahat. Lalo na kay Mister Daizuke Niwa,” ani Candy gamit ang microphone na wireless. Dahil siguro sa kundisyon din ni Candy bilang isang buntis kaya naman napakaiyakin din niya ng mga sandaling iyon. Tila ba, hindi mauubos ang kaniyang luha. Luha dahil sa galak. “Simula nang tumuntong ako sa lugar na ito, napakaraming surpresa na naranasan ko. Mga surpresa na hindi ko inakala na mangyayari din sa isang katulad ko. Akala ko, ‘yong surprise engagement na ‘yong masasabi ko na malala na nangyari. May kasunod pa pala. Hindi