“BAKIT dito sa Tagaytay mo naisipan na i-spend ang honeymoon natin? Puwede naman tayong pumunta sa magagandang tourist destination dito sa Pilipinas. Puwede rin sa abroad kapag okay na ‘yong passport mo.” “Na-miss ko ‘yong Taal Volcano,” ani Candy na pinagsasawa ang tingin sa kagandahan ng view ng Taal Volcano Island. “‘Yon lang?” “Biro lang,” mabilis na bawi ni Candy habang nangingiti. Binalingan niya ang kaniyang asawang si Mhorric. Nang mga sandaling iyon ay nasa rest house sila ng mga ito sa Tagaytay. Lugar kung saan sa pangalawang pagkakataon ay muli silang nagpanagpo ng landas noon. Nakatambay silang mag-asawa sa terrace ng silid ni Mhorric sa bahay na iyon. Silid na siyang gagamitin nila habang naroon sila. Yumakap si Candy kay Mhorric. “Ang totoo niyan, na-miss ko ‘yong lugar