Three years later… “SINA Candy ho?” tanong pa ni Mhorric sa naabutang kawaksi na abala sa paglilinis sa may salas. Kagagaling lang niya sa trabaho. “Good afternoon, Sir Mhorric. Nasa taas po sina Ma’am Candy,” sagot ni Elsa. “Okay,” aniya bago dumiretso na papunta sa pangalawang palapag ng kaniyang condo unit. Hindi pa sila nakakalipat ni Candy ng bahay. Saka na raw kapag mas lumaki pa ang pamilya nila. Sa ngayon, mas gusto nito na manatili pa sila sa The LPG Tower dahil na rin sa malaki niyong espasyo. Pamilya lang naman nila ang nakatira doon at ang dalawa nilang kasambahay. Nang makarating sa tapat ng pinto ng silid nila ni Candy ay marahan niya iyong binuksan. Pagkuwan ay sinilip ang loob. Ngunit taliwas sa kaniyang naiisip ang naratnan niya. Napapangiti pa si Mhorric na ma