“MOVE na tayo sa main location ng photo shoot natin. Naka-ready na rin doon,” inporma ni Paige nang lapitan nito si Candy. “Okay ka lang?” Tumango si Candy. “Okay lang.” “Kaya pa ba? Hindi ka ba nahihirapan sa suot mong gown? I know its a bit heavy—” “Okay lang, Paige. Mas mabigat pa rito ‘yong binubuhat ko dati,” nangingiti niyang wika. Kaya naman niya ang bigat ng traje de boda na iyon. Napakaganda niyon para makaramdam siya ng pagod. “Pero kasi, buntis ka ngayon.” “Promise, okay lang talaga.” Lapat naman kasi iyon sa damuhan kaya hindi siya totally nahihirapan. Kumbaga, hindi siya ang sumasalo ng buong bigat ng gown na iyon. But still, concern na concern pa rin si Paige sa kaniya. “Inom ka muna,” ani Paige na inabutan siya ng mineral water na may straw. “Thank you,” aniya nang t