NAKASUOT ng bestidang puti si Candy na umabot ang haba hanggang sa may lampas tuhod niya. At dahil aakyat sila sa Kamay ni Hesus nang araw na iyon kaya naman rubber shoes na kulay puti rin ang suot niya sa kaniyang mga paa. Okay lang naman iyong tingnan sa suot niyang bestida. Sinabihan din niya si Mhorric na mag-rubber shoes ito para hindi manakit ang mga paa mamaya sa pag-akyat nila sa mataas na kinaroroonan ng Kamay ni Hesus. Nagbaon rin siya ng pamaymay na natutupi in case na mainitan siya mamaya. “Ito na lang ang dalhin mo,” ani Mhorric nang mapansin ang pamaypay niya na isinilid niya sa kaniyang shoulder bag. Iniabot naman nito sa kaniya ang isang maliit na hand fan. “Para hindi ka na mapagod sa kapapaypay mo.” Napangiti siya. “Sige. May extra ka pa?” “Hmmm.” “Dalhin na rin nati