“MUKHANG sila na nga ‘yon.” “Oo nga. ‘Yon ‘yong babae na kasama ni Mhorric Soliven sa picture. At ganoon din ‘yong suot ni Mhorric. Mukhang ayaw lang may makakakilala sa kaniya kaya para siyang naka-disguise.” “Oh, my God! Ngayon lang ako nakakita ng UHB Men sa personal,” impit na tili ng isa. “Sana makita ko rin ‘yong mukha niya.” “Puwede kaya tayong magpa-picture sa kaniya? O kaya mag-hi?” “Do you think, papansinin niya tayo?” “Sino ‘yong kasama niya? Girlfriend ba niya?” “Akala ko joke lang ‘yong nasa caption ng picture. Pero mukhang totoo. Look at them, mukha nga silang couple.” Pasimpleng lumingon si Candy sa mga babae na nasa hindi kalayuan sa kanila ni Mhorric. Katatapos lang ng healing mass at balak sana nilang bumalik ni Mhorric sa kinaroroonan ng Garden of Eden para mamasy