NAG-AAGAW na ang dilim sa kalangitan nang mga sandaling iyon. Ngunit hanggang ng mga oras na iyon, pakiramdam ni Mhorric ay walang silbi ang lahat. Lalo ang securities ng UHB Leisure Club na noon ay isa sa numero uno niyang hinahanggan sa lugar na iyon. Tapos ngayon naman na siya na ang may kailangan sa mga iyon, hindi siya magawang tulungan. Hindi raw ma-locate kung nasaan si Candy. At nang sabihin nga kanina ng isa sa head ng security na mukhang wala na sa UHB Leisure Club si Candy ay gusto niyang bigwasan ang mukha niyon. Pinigilan lang siya ng kaibigang si Blair. “Hindi ka ba nagugutom? Kahit meryenda, hindi ka kumain kanina,” ani Blair nang balingan nito si Mhorric. Hindi niya inalis ang tingin sa kalangitan. “Paano ba ako makakakain kung hanggang ngayon ay wala si Candy?” Tumiim a