Chapter 55

2631 Words

MUKHANG wala pang balak na matulog si Mhorric dahil dumiretso pa ito sa Den at doon ay nanood sa malaking flat screen TV. Dahil na rin sa pamimilit nito kaya sumunod si Candy sa binata at naupo sa kabilang dulo ng sofa na kinauupuan din nito. “Galit ka ba sa akin at ang layo mo?” baling pa nito sa kaniya habang may munting panunudyo sa guwapo nitong mukha. “Naupo lang dito sa dulo, galit na agad sa iyo?” wika naman niya. “Ganiyang-ganiyan ka rin noong unang punta mo rito sa bahay. Daig ko pa ang may sakit kung makasiksik ka riyan sa dulo.” “Ang dami mong napapansin, Mhorric. Manood ka na lang,” aniya na sinikap na ituon ang atensiyon sa TV. Kinuha niya ang isang throw pillow at ipinatong sa ibabaw ng kaniyang hita. Dumako sa kandungan ni Candy ang tingin ni Mhorric. Napangiti pa ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD