HINDI na yata matatapos ang nasimulan na kaligayahang iyon sa pagitan nila ni Mhorric. At ngayong pinalaya ni Candy ang sarili para sa binata, napakasarap sa pakiramdam. Iyong wala ka ng ibang nililihim dito bukod sa isang bagay, at iyon ay ang katugon ng pagmamahal nito. Sa ngayon, gusto muna ni Candy na namnamin ang moment na iyon kasama si Mhorric. Without him knowing kung ano talaga ang totoong nasa loob niya. Napatingin si Candy sa kamay niya na mahigpit na hawak ni Mhorric. Kaaakyat lang nila sa second floor at talagang hindi nito binitiwan ang kamay niya habang sila ay naglalakad galing sa Den. Holding hands while walking… Ang ngiti sa labi ng binata ay para bang nakaplaster na roon at hindi basta-basta mapapalis. Kung ano man ang nangyaring aminan kanina sa Den ay hindi ay hindi