Chapter 12: Pavlopetri Kingdom

2106 Words
Zeth Archibald Nang ipitik ni Pontus ang kanyang daliri, alam ko na ang mangyayari at kung saan niya ako ipadadala – sa Pavlopetri Kingdom kung saan naroon ang mga lahi ng sirena. Ang kaharian na ito ang pinamumunuan ng pamilya ni Pontus. Matatagpuan ang kaharian ng Pavlopetri sa hilagang kanlurang bahagi ng Peridious. Ang kaharian na ito ang humahawak sa iba't ibang uri ng lamang dagat. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin dito, ngunit alam kong hindi ito magiging madali. Inaasahan ko na ako ang bibigyan niya ng pagsubok, dahil alam kong malaki ang respeto ng lalaking iyon sa kababaihan. Mas mabuti na ang ganito, hindi mapapahamak ang buhay ni Aira. Ngunit ano naman kaya ang pagsubok na igagawad niya sa akin sa lugar na ito? Nilingon ko ang aking paligid. Sinubukan kong kapain ang espada na nakasabit sa aking likuran, ngunit nalimutan kong ginawa nga pala itong tubig ni Pontus, kaya ngayon, tanging ang sariling lakas ko na lang ang magagamit kong panglaban. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa loob ng isang kweba kung hindi gaanong madilim sa kwebang ito dahil malapit na ako sa entrada. Sa tingin ko, isa itong isla sa kaharian ng mga sirena. Maririnig sa loob nito ang maliliit na patak ng tubig mula sa matatalas na bato na nagsisilbig kisame ng kweba na ito. May maliliit na alon ang pumapasok sa loob ng kweba. Maririnig din ang hangin na sumisipol sa tuwing nagagawi ito sa loob ng kweba. Hindi ako maaaring kumalma at makampante sa mga ito. Alam kong ano mang oras, may kung anong bagay ang lalabas sa paligid kaya kailangan kong maging alerto. Nakita ko ang pamumuo ng bula sa isang parte ng tubig. Kinuyom ko ang aking kamay at bahagyang tinaas ito. Hinanda ko ang aking sarili sa paparating na laban. Hanggang sa maya-maya lang, unti-unting nabuo ang mukha ng isang babae mula sa bula na ito. Unti-unting tumataas ang tubig habang patuloy sa pagbula. Hanggang sa isang babae na kalahati ay isda ang lumabas mula sa tubig. Tanging kabibe lang ang nakatakip sa kanyang dibdib at mula sa baywang hanggang sa kanyang paa ay buntot ng isang isda. "Sirene," pagtawag ko sa kanyang pangalan. "Isang maligayang pagbati sa iyo, Zeth Archibald," mahinhin niyang tugon. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Ang kanyang buhok ay tila hinulma kawangis ng maalong dagat. Ang kulay ng kanyang buhok ay pula at may mapula at manipis siyang labi. Ang kanyang mata ay sing tulad ng kulay ng langit na kulay asul. Ang sino mang makakita sa kanya ay tiyak na mahuhumaling. Ganito ang mga sirena. Gamit ang kanilang mapang-akit na tinig, makukuha nila ang mga lalaki na kanilang ninanais. Ayon sa alamat, isang Sirena ang nabigo sa pag-ibigal, dahilan kung bakit nila pinipiling pumatay ng kalalakihan. Ang sabi, ang mga lalaking napupusuan nila ay sinasama nila sa pusod ng dagat hanggang sa ito ay malunod at mamatay. Sa ganitong paraan, ang kaluluwa ng lalaking kanilang kinuha ay mapupunta sa kanilang poder at makakasama nila habambuhay. "Ano ang iniisip mo, Zeth?" pagputol niya sa mga bagay na aking iniisip. "Ikaw ba ang susubok sa akin?" tanong ko. Sumilay ang isang matalas na pagngisi sa kanyang labi. Tila nagpapahiwatig ng hindi maganda. "Bakit mo naman inisip ang bagay na iyan? Nandito lang ako upang paligayahin ka," aniya. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Maya-maya lang, ang bula na nagsisilbing gabay niya ay unti-unting bumaba, sabay sa pagbaba ng kanyang katawan. Sa pagbaba niya sa tubig, isang malakas na liwanag ang bumalot sa kanyang baywang pababa sa dulo ng isda niyang paa. Hindi na ako nagtaka nang sa paghuba ng liwanag na bumabalot sa kanyang katawan, ang kanina'y kalahating isda ay napalitan ng dalawang paa. Ang bagay na ito ay isa sa kanilang kakayahan. Masasabi kong lubos na makapangyarihan ang kanilang lahi at hindi biro ang makaharap isa man sa kanila. Nang tuluyang magbago ang kanyang anyo at tuluyang maging hitsurang tao, marahan siyang lumakad mula sa tubig na kaniyang kinaroroonan at tumungo sa aking kinatatayuan. Sa paglapit niya sa akin, nagtama ang aming mga mata na animoy nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila ang aking isip ay napunta sa isang alapaap. Ang kanyang mata ay nanghihigop ng kaluluwa na tila nais akong kunin patungo sa kanilang kaharian. Mabilis akong lumayo sa kanya, alam kong sa oras na ibukas niya ang kanyang labi at marinig ko ang kanyang himig, paniguradong mapupunta ako sa kaniyang mundo, sa isang mundo na wala nang balikan. "Zeth, kinasusuklaman mo ba ako? Bakit ka naman lumalayo?" tanong niya na may malanding tinig. Binukas ko ang aking palad, saka tinapat sa kanyang mukha. "Huwag kang lalapit sa akin, kung ayaw mong pakawalan ko ang pwersa mula sa palad ko." Nakita ko ang takot sa kanyang mata. Hindi maipagkakaila ang pagngitngit ng kanyang ngipin dahil sa galit na kanyang nararamdaman. "Kung iyan lang ang pagsubok na ibibigay mo sa akin. Huwag ka nang mag-abala pa," muli kong wika. Isang nakakatakot na pagngisi ang kanyang ginawa. "Magaling ka, Zeth," wika niya. Maya-maya lang, marahan siyang tumalikod sa akin na animoy sumuko at aalis na. Ngunit hindi pa man siya nakalalayo, muli siyang humarap, tinaas ang kanyang kamay at binukas ang palad. Tinutok niya ito sa akin. Tila napako ang aking katawan at tuluyan itong naparalisado. Kahit ang dulo ng aking daliri ay hindi ko magawang igalaw. "I-Ikaw!" galit kong sigaw. "Dahil hindi naman pala tatalab ang pang-aakit ko sa 'yo, ipakikilala na lang kita sa kaibigan ko," mapanukso niyang wika. Isang malaking bula ang bumalot sa aking katawan. Unti-unting lumutang ang aking paa at tila binuhat ako ng malaking bula na iyon. Sa bawat pag-angat ng bula kasama ang aking katawan, sabay sa pag-angat ng kanyang kamay. Pilit ko mang pagalawin ang aking katawan, hindi ko pa rin magawa. Hanggang sa ang bulang iyon ay dinala ako sa ibabaw ng tubig. Sa pusod ng dagat kung saan walang makikita o makakapitang lupa. Tumigil ang paglipad ng bula nang mapadpad ako sa malaking bahagi ng karagatan. At sa isang pitik ng daliri, biglang pumutok ang bula kung saan ako nakapaloob. Ang malamig na tubig ay tuluyang yumakap sa aking katawan sa pagbagsak ko sa gitna ng dagat. Mabilis akong lumangoy paitaas upang makakuha ng hangin, saka ginalaw ang aking paa at kamay upang hindi malunod. Ano naman kaya ang plano ng babaeng iyon. Kung ano man 'yon, hindi ko ito mapapayagan. Sinubukan kong ilibot ang aking paningin sa paligid, ngunit wala akong matanaw na isla. Ni isang lupa ay wala kang makikita. Hanggang sa isang bagay ang naramdaman kong gumagalaw sa dagat na aking kinaroroonan. Sa hindi kalayuan ng aking direksyon. Natanaw ko ang isang malaking isda at ang likod nitong nakalutang. Mariin akong napalunok dahil alam ko kung anong klaseng hayop ito, isang white shark. Nagpatuloy sa pagkampay ang aking paa't kamay, habang ang pating na iyon ay nagpaikot-ikot sa aking kinaroroonan. Maya-maya lang, nawala ito at lumubog sa ilalim ng tubig, hudyat na maaari siyang sumugod sa akin ano mang oras. Hindi ako pwedeng maralo nang ganito. Mabilis kong sumisid sa ilalim, ngunit nang ilubog ko ang aking ulo, nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang pating na iyon sa aking harapan. Tantya ko ay mahigit 20ft ang laki niya. Ang kanyang mata ay diretso lanv na nakatingin sa akin. Doon ako nakaramdam ng takot nang simulan niyang sumisid pailalim at tuluyan akong sugurin. Sa pagbukas ng kanyang bibig, buong pwersa kong hinawakan ang kanyang bunganga upang hindi niya makagat ang aking katawan. Panay ang mariin kong pagpikit dahil ang dulo ng aking daliri ay tumatama sa kanyang ngipin, dahilan upang ito ay magsugat. Sa paglasa niya ng dugo na mula sa maliit na hiwa sa aking daliri. Tila hayok na halimaw ang pating na nasa aking harapan. Hindi ako makalaban dahil sa mabilis niyang paglangoy. Tila sumasabay lang ang aking katawan sa bawat langoy na kanyang ginagawa. Hanggang sa tuluyan niyang ibukas ang kanyang bibig at handa na akong kainin. Ayokong saktan ang isang inosenteng hayop, ngunit kung ikapapahamak ko naman, kailangan ko itong gawin. Mabilis kong pinasok ang aking kamay sa kanyang bibig. At sa pagsara nito, tuluyang bumaon ang ngipin ng pating sa aking braso. Ramdam ko ang unti-unting pagpunit ng aking balat at pagbaon ng kanyang ngipin sa aking kamay. Bago pa niya tuluyang maputol ang aking braso, nagsimulang uminit ang gitna ng aking palad. Naramdaman ko ang pagbuo ng pwersa mula sa aking katawan patungo sa dulo ng aking daliri, hanggang sa tuluyan itong lumiwanag. Ang kapangyarihan ng Aether ay ginamit ko upang mapakawalan ang malakas na pwersa sa aking kamay. "Aaaarrggh!" malakas kong sigaw nang buong pwersa kong pakawalan ang enerhiya na naipon sa palad ko. At sa isang iglap, isang nagbabagang apoy ang lumabas mula sa aking kamay, dahilan upang sumabog ang katawan ng pating na nasa harapan ko. Halos hindi na makita ang piraso ng kanyang katawan, tanging dugo na lang niya ang kumalat sa karagatan. Mabilis akong lumangoy paitaas upang makakuha ng hangin. At sa pag-ahon ng aking ulo, ang sirenang si Serene ay naghihintay sa akin sa itaas. Nakasakay siya sa bumubulang tubig habang nakapalumbabang nakatingin sa akin. "Magaling ka, pinatay mo angvm isa sa mga tapat kong alagad," wika niya. Ramdam ko pa rin ang pagkirot ng aking braso, samahan pa ng alat na nagmumula sa karagatan. Sabihin mo, Zeth. Bakit handa kang ibuwis ang iyong buhay upang matulungan ang babaeng iyon?" wika niya na nagpagulo sa aking isip. "Anong ibig mong sabihin?" tugon ko. "Hindi mo responsibilidad ang tulungan siya. Ngunit heto ka at halos mamatay dahil lang sa isang walang silbing babae!" sigaw niya. "Bilang isang kawal ng reyna, tungkulin ko ang tulungan si Aira." Isang pagngisi ang kanyang ginawa. "Sayang ka, Zeth. Dahil pinili mo ang ipagtanggol ang babaeng iyon, dinaranas mo ang bagay na ito," wika niya. Tinaas niya ang kanyang kamay sa langit. Ano na naman kaya ang gagawin ng babaeng ito. "Ang utos sa akin ni prinsipe Pontus, tapusin ang iyong buhay." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Ang payapang dagat kanina ay nagsimulang umalon. Unti-unti itong lumakas hanggang sa tila isang ipoipo ang humihigop sa aking katawan, dahilan upang malubog akong muli sa ilalim ng tubig. Sa aking paglubog, nanlaki ang aking mga mata dahil hindi pala isang ipoipo ang humihigop sa aking katawan kung hindi isang malaking balyena. Nakabukas ang kanyang bibig dahilan upang magkaroon ng isang malakas na paghigop sa ilalim ng dagat. Pinilit kong lumangoy pa-angat, ngunit hindi ko na nagawa. Huli na nang ibukas ko ang aking palad dahil tuluyan nang nilamon ng malaking balyena ang aking katawan. *** Aira Nanginginig ang aking katawan at panay ang kuyom ng aking kamay habang mimamasdan ang mga nangyayari ngayon kay Zeth. Wala akong magawa, pakiramdam ko ay wala akong silbi sa kanya. Bakit? Bakit kailangan niyang danasin ang bagay na ito? Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata. At nang tuluyang pumatak ang tubig na iyon, biglang lumutang ang aking luha sa ere at tumungo sa direksyon ni Pontus. "Huwag mong sayangin ang iyong luha sa isang walang kwentang Aether, binibini," nakangiti niyang saad habang nakaupo sa kanyang trono at nakapalumbaba. Dumapo sa kanyang palad ang luha na mula sa aking mata, saka niya dinurog ito gamit ang kanyang kamay. "Hindi ba mas maganda kung tayong malalakas na lang ang magkakasama?" muli niyang wika. Marahas akong napatayo dahil sa kanyang sinabi. Humarap ako sa kanya at nanginginig sa galit ang aking katawan. "Pakiusap, itigil mo na ito! Hindi mahina si Zeth!" galit kong sigaw sa kanya. "Paano mo naman nasabi? Kitang-kita mo naman kung paano siya nahihirapan ngayon." "Hindi siya mahina." Sabay kaming napalingon ni Pontus nang marinig naming magsalita si Aranyani, saka nito tinuro ang bula na animoy tv na aming pinanonooran. Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ko ito. Pilit na tumatayo si Zeth sa lugar kung saan siya naroroon. Sa tingin ko, ito ay loob ng katawan ng balyena. Halos madurog ang aking puso nang makita ang duguan niyang katawan. Panay ang mariin niyang pagpikit dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Dahil sa akin, kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng ito? Tama na. Hindi ko na kaya pa ang makitang may nahihirapan dahil sa akin. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa aking mga mata, dahil sa bigat na aking nararamdaman. "Tama na, Zeth," mahina kong saad. Sapat lang upang marinig ng dawang lalaki na aking kasama. Binukas ko ang aking labi saga muling nagbitiw ng salita, "Tama na!" malakas kong sigaw, isang pagsigaw na hinihiling kong makarating sa kanyang kinaroroonan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD