Gising na ang buong katawan ni Lyca ngunit hindi niya pa rin nagagawang maimulat ang kanyang mga mata. Nararamdaman pa kasi niya ang pagkirot ng kanyang bandang dibdib na natamaan ng pana at parang kumalat pa ang kirot niyon sa buo niyang katawan. Nagtataasan ang kanyang mga balahibo dahil sa lamig na hatid ng aircon sa silid. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. She wanted to drink. With all her remaining strength, paunti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. She lightly moved her fingers against the soft cloth of the bed. Pinag-unatunat niya ang bawat daliri at nagmistulang exercise niya iyon. Hindi pa nakatagal ang kanyang mga matang mulat ay sinara niyang muli iyon. Sinalubong kasi siya ng maliwanag na kuwarto. Kulay puti tuloy lahat ng kanyang nakikita. She let out a deep breath. Sh