"Can you please stop smoking?" "Nasa tamang lugar ako, Johan. Just this once, pwede bang tumahimik ka?" Iritableng binalingan ni Prinsipe Brintton si Prinsipe Johannes. The fourth prince was looking at him with his those, piercing foxy eyes and for a second, the second prince felt a shiver down his spine. Lumunok ng laway ang pangalawang prinsipe at pasimpleng lumayo sa kapwa prinsipe. Bagaman nandoon pa rin ang parang ngiwi sa maamo niyang mukha, hindi na lang niya sinagot ang kausap. Pakiramdam kasi niya ay lalaki pa lalo ang galit nito kung sakaling sumagot siya. Winagayway na lamang niya ang isang kamay sa ere at kunwa'y parang pinalayo iyong usok na nanggagaling sa sigarilyo nito. Nasa rooftop sila ng hospital, sa may smoking area. Nung hapon na iyon ay dumating si Prinsipe Brintto