Nakatalikod lamang si Prinsipe Johannes at nakaangat palapat ang mga braso sa bakal ng balcony. Kitang-kita ang kagandahan ng kaniyang pigura sa suot niyang polo shirt na medyo fitted ang itsura dahil sa kanyang pagkakatayo. Nandoon pa rin sila ni Prinsipe Brintton sa rooftop at hinihintay niyang matapos ang prinsipe sa tawag. Tumingala siya sa maaliwalas na langit, iyong kulay gintong buhok ay nadadala ng hangin patabing sa kanyang noo at pisngi. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinapunan ng tingin ang kasamang prinsipe sa di kalayuan. Ang kausap nito ay walang iba kung hindi ang assistant nitong si Joker. Base sa pag-iiba ng ekspresyon sa mukha nito ay parang alam na niya ang pinag-uusapan nila. "What is it?" Nakakunot-noong tanong ni Prinsipe Johannes kay Prinsipe