Ala una ng madaling araw. Umuusok iyong apat na tasa ng tsaa ng Chamomile sa ibabaw ng lamesa. Kahit na pinigilan siya ng prinsipe na huwag ng bumaba at matulog na lamang ay nakapaghanda pa rin siya ng tsaa.
Patulog na kasi dapat talaga siya nang maalalang may dapat siyang kuhanin kay Clover. Pagkababa niya sa kuwarto ng mga ito ay nakasalubong niya agad ang assistant, kasama si Benjie at si Prinsipe Johannes na nasa unahan ng mga ito.
Inayos niya ang kanyang upo. She peeked a look at the second prince sitting beside him and she can already tell, there's something going on. Nakahalukipkip lamang ang prinsipe habang tinitingnan ang dalawang tao sa harapan nila.
"I'm sure, you know exactly what you did.." Ang boses ng pangalawang prinsipe ay iyong may diin. Nakaupo ito ng tuwid, nakayakap pa rin ang mga mahahabang braso sa bandang dibdib nito. "Hindi ko naman kailangang ulitin pa sa inyo.."
"Y-Your Majesty.." Si Benjie ang unang nagsalita. "Ipagpaumanhin ninyo ang aming kalapastanganan. Tatanggapin namin ang kahit na anong parusa.." Yumuko ito, kasama si Clover.
Nagpakawala ng buntong-hininga ang kausap na parang may malalim na pinaghuhugutan iyon. "Alam niyong may mas mahigpit pang naghihintay sa inyo kapag pinagpatuloy niyo 'yan.."
Kinuha ng prinsipe ang isang tasa ng tsaa at tiningnan iyon. Seemingly searching his own reflection on the crystal, greenish water. Marahan nito iyong inikot-ikot mula sa kanyang mga daliri. He sipped a little and letting out a satisfying expression because of the warm drink.
Lyca can only watch quietly. Kahit naman gusto niyang magtanong ay hindi niya magawa. Kung magtatanong naman siya ay baka masira ang pinag-uusapan ng mga ito o di kaya ay baka masabihan siyang pakealamera. Sigurado siyang may nangyari kanina bago siya bumaba. Pero kahit na kating-kati na siyang malaman ang dahilan ay nanatili pa rin siyang tahimik sa isang tabi. Hinigop na lamang niya ang hawak na tsaa. It warmed her stomach.
"I don't know how and when did it start at kung gaano na katagal.." He sipped the tea, one shot this time. "Actually, I have no problem with that. It's okay for me.." Nagkibit balikat ito. "Pero once nalaman ito ng mga Consuejos, you will be put in too much trouble.." Ibinaba nito iyong tasang nilalaro at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "You know what I'm saying right?" He tapped his fingertips in the wooden surface. "You got two choices. Ipagpapatuloy niyo o ititigil ninyo.."
Prince Johannes saw how the face of the assistants in front of them, covered with worry, disappointment and fear. Well, hindi naman sa tinatakot niya ang mga ito. Gusto niya lamang sabihin sa kanila ang mga posibleng mangyari kapag tinuloy pa nila ang relasyon nilang dalawa.
Relationships between Palace assistants are forbidden. Ipinagbabawal iyon ng Palasyo dahil sa nangyari, ilang taon na rin ang nakakalipas. The very first king and queen of Verañas was both killed with assistants. They were treated as families by the royal family that time. Magkasintahan raw ang mga kanang-kamay ng mga ito and plotted the murder themselves. The case told them na ang dahilan, masyado silang natukso sa kayamanan at kapangyarihan ng hari at ng reyna. Hence, that started the rule of forbidding the relationships between assistants. The prince didn't have the chance to see it with his own eyes, but it was all written under the Palace's past cases.
"If your answers are clear, you may go.."
"U-Understood.." Si Clover na ngayon ang sumagot at kagaya kanina, kasabay ang kanyang kanang-kamay na yumukod pa sa kaniya.
Tumayo ang prinsipe and waved a hand dismissing them.
Sa katunayan, natatakot rin ang prinsipe sa kapakanan ng mga ito. Now that something's going on between them, isa lamang ang hiling niya. Sana ay hindi pagsisihan ng mga ito ang gagawing desisyon.
- - - - -
Bising-bisi ang mga kamay ni Prinsipe Johannes habang minamarkahan ang mga papeles na hawak. Naglalaman kasi iyon ng mga importanteng detalye na kailangan nila at ng karatig na bayan, tungkol sa napagkasunduang proyekto. Magtatayo kasi sila ng bagong opisina na gagamitin sa bagong publishing house na ipapatayo nila. Ang isang kamay niya ay hawak ang papel ang isa'y dinidiin ang tatak para doon. The sound of a stamp compounding the every sheets of paper echoed from the room. Ang markang nakaguhit ay isang ibon, isang peacock na nakbukadkad ng inam ang mga balahibo sa likod at nakataas ang tuka. Kulay maroon iyon at sa ibaba ay may guhit para pirmahan niya. Sumandal siya sa kinauupuan niya at tiningnan iyong nakahain sa kanyang sandamukal pang papeles na kailangan pa niyang pag-aralan. Napabuntong-hininga na lamang siya.
He should've gone into vacation for too long. Ayan tuloy ang dami niyang gagawin.
Di naman din siya nainform na marami ring paperworks ang maging ganap na strategist at negotiator ng Palasyo. Akala niya ay sapat na iyong maging speaker ng hari kapag may bago silang kalakaran.
Well, at least hindi naman siya lugi. Nakapagpahinga na siya nakasama pa niya ng matagal si Lyca. He smiled immediately upon thinking her name. Malala na nga ata siya. Sinilip niya ang kanyang cellphone. Mamaya na niya tatawagan ang dalaga pagkatapos niyang pirmahan lahat iyon. Nag-unat siya at sinimulan na niyang isa-isahin ang mga dokumento.
"Thank you Benjie for informing.."
"Wala pong anuman, Kamahalan. Pasensya na po kayo.."
"O-Okay lang.."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Lyca habang pinagmamasdan iyong dala niya. Yakap yakap niya sa kamay iyong kahon na naglalaman ng cake na ginawa niya para kay Prinsipe Johannes, only to be disappointed.
Hindi pala tumatanggap ng kahit anong cake o regalo ang mapapangasawa.
Matamlay na tiningnan niya ang nakadecorate na strawberries at berries sa paligid niyon. Vanilla fruit cake ang ginawa niya. Hindi niya gaanong tinamisan iyon dahil ayon sa sabi sabi ay hindi gaanong mahilig sa matatamis ang prinsipe. Napasimangot siya. Pakiramdam niya ay nasayang ang kanyang effort, tutal first time niya lamang gumawa ng cake. Si Zeth nga ni hindi niya nagawan kahit tinapay o kahit candy na gawa sa balinghoy. Tinapunan niya ng tingin ang pintuan ng opisina. Ibibigay na lang niya 'yon siguro kina Prinsipe Jerremiah at Ai, o di kaya naman kay Prinsipe Brintton dahil kanina pa nitong hinihingi ang recipé niya doon.
Maglalakad na sana siya palayo nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa niyon ang prinsipe. May nakakatuwang ekspresyon sa mukha.
"Wait.." Tiningnan nito ang hawak niya. "Cake ba 'yan? Is that for me?"
"Well.." Simula ni Lyca at tinapunan rin ng tingin ang hawak na cake. "Y-Yes, Your Majesty. A post present for your birthday, I guess.." Nagkibit balikat siya at ngumiti. "Pero sabi ni Benjie, hindi ka daw tumatanggap ng kahit na ano para sa kaarawan mo. I'm sorry about that, Your Majesty.." Umukod siya dito. "I'm too ignorant, I haven't thought of that.."
"H-Hey.." He brought a hand over his nape. "Hindi naman pwede 'yon. Ang bastos ko naman kung hindi ko 'yan tatanggapin.."
"No, it's okay. I fully understood that, I won't do this again. Forgive me.."
"N-No. Sandali lang. I.."
Humakbang ito papalapit sa kanya pero agad humarang dito si Benjie at kinuha iyong cake na nasa kanyang mga mga kamay. Tumingala siya dito.
"Ako na po ang magdadala, Kamahalan.." Nginitian siya nito. "How about this, we share this cake to the others? In that way, hindi masasayang itong ginawa niyo. Mukha pa naman pong masarap.."
"H-Hey.. I. I can—"
Pinigilan ng isang kamay ni Benjie si Prinsipe Johannes. "Understood, Your Majesty. You can't eat sweets. Ilalayo ko na po sa inyo.." Bumaling ito sa kanya, may halong pang-uuyam ang boses nito, much to the second prince's dismay. Napakunot ang mga kilay niya. Mukhang binabawian siya ng kanyang assistant.
He brought his hands over his waist while looking at them walking away from him. Napatawa pa siya ng sarkastikong iaro nito sa ere habang naglalakad iyong cake na parang tinutukso-tukso pa siya. He let out a sarcatic laugh. Talagang winawalanghiya siya ng kanang-kamay.
Just wait for it, Benjamin!
Sa inis, he kicked an imaginary stone and cursed the assistant on his head.
"Prinsipe Johannes?"
Papasok na sana siya sa kanyang opisina nang may pamuling tumawag sa kanyang pangalan. Binalingan niya ito.
It's no other than the new hired Consuejo.
"Olen.." Bungad niya dito at inikot ang isang paa para makaharap dito.
"Kamahalan.." Umukod ito sa kanya. The golden crest of the Consuejos placed on his chest winked, catching his attention. "Been waiting for this day to finally meet you.."
Parang kaswal lamang na hinain ng kausap iyong isang kamay at tiningnan niya iyon. He tilted his head on the side. It's the very first time, someone had to courage to shake hands with him. Napaarko ng kaunti ang sulok ng kanyang bibig.
"Your Majesty.." The team leader smiled at him. "Ikinagagalak kitang makilala.."
But there's just something in his smile he just can't explain.