Kabanata 27

2060 Words
"Come in.." Tumaguntong ang sapatos ni Prinsipe Johannes sa sahig. Hindi na niya pinansin at nilagpasan lamang ang nakaabang na kamay ni Olen sa kanya. It's just too formal and.. fishy. Kung may gusto itong sabihin sa kanya, dapat diretsuhin na lamang siya nito. Hinila ng pangalawang prinsipe ang kanyang swivel chair at tinapunan ng tingin ang bagong salta. Nakita niya itong umiling-iling habang tinitingnan ang palad. Maya-maya pa ay nakita na niya itong pumasok sa opisina niya. "Take a seat.." Tinuro niya ang sofa na nasa tapat ng lamesa niya na pinaunlakan naman nito. "May I know what's your name.. ah, Mister..?" Tinaas ni Prinsipe Johannes ang isa niyang kilay, iyong ulo ay nakatagilid rin, nagpapanggap na hindi alam ang pangalan ng kausap. "Olen Devlin, Sir.." Tumayo ulit ito at sa pangalawang pagkakataon, hinain muli ang kamay sa kanya. "The newly hired team leader to be part of the Consuejos.." At sa pangalawang pagkakataon rin, tiningnan niya lamang ang nakaabot na palad nito. Kinuha niya ang kanyang ballpen at sinimulang pirmahan ang natirang mga papeles na kailangan niyang pag-aralan. "Hmm.." Tumango-tango ang prinsipe. "Right. Iyong kapalit ni Joaquin." Nilipat ng isang kamay niya ang papel sa kasunod matapos itong basahin. "I don't know why you're here unannounced but you see.." Pinatas niya ang mga papel ng maigi sa lamesa at tiningnan ang lalaki. "Kung may sasabihin ka sa sakin, please do tell me now. I'm afraid I can't accomodate you that well since I have so much work to do.." Sa katunayan ay maaga talaga siyang mag-aout sa araw na iyon, pero dahil naudlot iyon dahil sa bisita niyang di naman niya inakalang pupunta sa kanya, kinailangan niya tuloy mag-isip ng ibang dahilan para maitaboy ito. He gripped the pen in his hand and stared at the flat expression of Olen's in the glass surface of his table. What exactly is he thinking? Hindi niya pa ito personal na nakikita at nakikilala. Sinabi lamang sa kanila ni Michael na may ipapakilala sa kanilang bagong miyembro ng Consuejos. Siguro ay nawala na rin sa isip nito iyon. Pero dahil nagpunta ito sa opisina niya, alam niyang hindi ito basta ordinaryong tao. There's just something inside him that tells him, he's from a different side. Actually, may nakikita rin siyang itim na aura sa paligid nito—if that's even possible. "Ah.." Yumuko si Olen, ang salikop na mga kamay ay nasa unahan niya. "Ipagpaumanhin ninyo. Nais ko lamang ipakilala ang sarili ko sa inyo, isa-isa at sa mga kamahalan.." Sumandal sa kinauupuan si Prinsipe Johannes at pinagmasdan ang bagong Consuejo. Makisig at maganda ang tindig nito. Sa unang tingin pa nga, aakalain mong isa rin ito sa mga maharlika dahil sa galing nitong magdala ng kasuotan. He tapped his fingertips against the arm of his chair. Tinanguan niya ito. "Tell me. Why are you here?" In that action, Olen raised his head, a smile lined on his lips. It was actually not a smile since it was curved upwards. For the second prince, it was more like a smirk. A demonic smirk to be specific. "Your Majesty.." Simula nito, humakbang ng isa papunta sa kanya. "I'm a huge fan of yours.." "Oh." Tumaas ang isang kilay ng prinsipe, iyong mga braso ay niyakap sa kanyang dibdib. "I don't remember such a remarkable thing that I did, to have a fan.." "University of California.." May hinanap si Olen sa paligid ng kanyang kuwarto at tumigil sa tapat ng kabinet na puno ng mga tropeyo at awards niya. "Here. The monthly debate of Political Science Majors.." The blonde prince quirked up those quite, thick eyebrows of his. Mukhang nakuha na ng team leader ang kanyang atensiyon. "Oh. Berkeley?" Pinagsalikop ng prinsipe ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa niya. "Are you one of the debaters then?" "No, Your Majesty.." Umiling-iling ito, ang isang kamay ay nakapasok na sa isa niyang bulsa. "I actually took law then.. took a liking in political science.." Nag-aral si Prinsipe Johannes sa University of California Berkeley based, with Political Science as his study. Matagal rin siyang nanirahan sa bansa, that explains how he was fluent in English language. Besides, he's the negotiator and strategist of the king, kaya malaking puntos ang kanyang pinag-aralan. May buwan-buwan na ginaganap na debate sa Berkeley at siya palagi ang representative sa kanyang department at usually, panay ang kanyang panalo. Iyong isang kabinet sa kanyang opisina ay puno ng awards niya patungkol sa mga paligsahan. Kaya nga nagulat siya nang banggitin iyon ni Olen. Posible sigurong kilala na siya nito bago pa maging Consuejo. "Napakagaling mo sa pakikipagdebate, Kamahalan.." The team leader shoved his hands over his pockets while looking at him with those eyes, he can't read. "I personally think, no one can ever surpass you on that matter.." "Uh-hm.." The prince expressed, rubbing his fingers against his chin. "Thank you. I appreciate it.." "You're always welcome, Your Majesty.." Olen bowed, forming the most royal pose. "Always remember, that my vote will always be yours.." Suddenly, Prince Johannes felt overwhelmed. Suddenly, he felt like he was alread the chosen king. Napangiti siya padako dito. Sa sobrang sinabi ng team leader sa kanya, mas lalo tuloy siyang nagsuspetya kung ano ba talagang pakay nito sa kanya. As a good actor as he is, the prince dismissed the leader with a smile. "Magaling ka ha.." Nagpakawala siya ng tawa. "Aasahan ko 'yan." "So paano.." Tumayo siya at naglakad papalapit dito. For the third time that day, he's the first one who initiated the hand shake. "Nice meeting you, Consuejo Olen.." Sa inaasahan ay tinanggap naman nga nito ang kanyang kamay agad. "Nice meeting you too, Your Majesty.." "You know what, I should meet you more often.." "Napakagandang ideya niyon, Kamahalan.." Pero ang salita at pakikipagtalastasan ang kagalingan ng prinsipe, hindi ba? Hindi naman kasi lahat doon ay totoo. You know, he's the best strategist for nothing. - - - - - Nilagay ni Lyca iyong slice ng cake sa kanyang platito. Nasa kusina siya at naiwan na siya ni Prinsesa Ai nang makuha na nito ang parte niya sa cake na ginawa niya. Ngayon naman ay pagkakataon na niyang matikman iyon, kahit na hindi talaga iyon para sa kanya. Napahugot na naman siya ng kanyang hininga. Kumuha siya ng tissue at nilinis niya iyong kahon na pinaglagyan ng cake. Sayang naman. Pinag-aralan pa naman niya kung paano gumawa ng matinong box para doon. Iyong last time kasi, mas maliit pa yung kahon kaysa sa ilalagay niya. Mahilig siyang magbake at gumawa ng iba't-ibang delicacies. Actually, napagdesisyunan niyang aralin iyon dahil na nga sa naiinis siya sa bahay. It was her sweet escape. Pinanood niya lamang iyong mga videos na nakikita niya at tinary na gawin sa bahay. Iyong iba ay pinagtitinda niya, iyong ibaba naman na matitira binibigay niya kay Lily. She spooned the second to the last slice of cake and put it in her mouth. Natunaw iyon sa kanyang bibig and she hummed quietly, smiling to herself that the cake was indeed delicious. Akala pa naman niya binobola lamang siya ni Prinsipe Brintton. "You're still here?" Isusubo na sana niya ang huling slice ng cake nang bumaling siya sa may pintuan at nakita si Prinsipe Johannes. Naglalakad na ang prinsipe papunta sa kanyang direksyon. Agad lumukso ang kanyang puso. "Ah." Lumunok siya ng laway. "Y-Yeah. Inuubos ko lang 'tong.. cake.." "May.. natira pa ba?" "H-Ha?" Tiningnan niya ang platito niya at ang kahuli-hulihang piraso ng cake sa kutsara. "Well.. this is actually.. the last one, Your Majesty. Binigay ko na 'yung iba sa kanila—" Naputol ang iba pang sasabihin ni Lyca nang lumapit ito sa kanya at nilagay sa bibig iyong huling scoop ng cake sa kutsara niya. She gripped the metal bar, down on the kitchen counter. Tumingala siya dito, only to be followed by his stares on her face, studying her every feature. With one hand, the prince tilted her chin up and leaned forward. Nanlaki ang mata niya. Prince Johannes landed his lips over the corner of hers. Naramdaman din niya ang bahagyang pag-ikot ng dila nito sa sulok ng kanyang bibig. Napahigpit ang hawak niya sa platito na hawak. Bigla ata siyang nakaramdam ng hilo. Nang bumitaw ito sa kanya, may malawak itong ngiting iginawad sa kanya. "I'm glad, nakaabot pa ako." Tumawa ito at binigyan na siya ng espasyo para makahinga. "Thank you, Lyca.." Wait. Did he just lick her lips like that? Napalayo siya dito. "K-Kamahalan!" Pinamulatan niya ito ng mata. "Why?" Dinampi nito ang isang daliri sa sulok ng kanyang bibig at dinilaan pa ang parteng iyon. "May icing ka kasi sa bibig mo. Nagmalasakit pa nga ako at inalis ko.." Gago ka. Meron namang tissue? - - - - - "Paging Mr. Frederick Mendoza, ticket number 01165, please report to the front desk now.." Kakababa niya lamang sa eroplano galing California. Maingay at madaming tao nang maglakad siya palabas ng Terminal III. Huminto siya sa paglalakad at ibinaba ang kanyang shades. Smiling while chewing a gum, may nakita siyang lalaking naghihintay sa kanya sa may labasan. Kinawayan niya ito at nagsimula ng maglakad papunta sa kanya. Hila-hila niya ang kanyang kulay gray na suitcase. May suot siyang kulay puti na crop-top at nakikita ang kanyang flat na tiyan at pusod na may piercing. Sa baba naman ay shorts na tastas ang dulo at nababalutan ng criss-crossed na mesh stockings ang kanyang mala-kandilang mga binti. Nakabalot ang kanyang mga paa sa kulay itim na flat-high boots na kulay pink ang sintas. She was half jumping and walking towards the one who's waiting for her and her ash-brown hair bounced. May kulay pink at violet iyong ga-daliring buhok sa unahan niya at may makapal na eyeliner sa mga mata. Kahit iyong ibaba ng ilong at tabihan ng tenga ay may hikaw rin, completely having a rock star look. "s**t. What does he wants this time?" Napamura siya ng maramdamang nagvivibrate ang kanyang cellphone. Aksidente niyang napindot ang answer button kaya wala na rin siyang nagawa kung hindi sagutin iyon. ["Alma?"] Tumigil sa paglalakad ang babaeng tinawag na Alma. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at halatang disimayado sa kausap. Naiinis siya sa sarili niyang binuhay pa ang cellphone. Dapat pala'y hinayaan na lang niyang naka Airplane mode iyon. "Akala ko ba sinabi ko na sayo na huwag mo na akong tatawagan? Papaano mo nalaman na umuwi na ako? Hindi ako interesado maging Consuejo. Kung wala kang magandang sasabihin, goodbye— ["N-No! Wait! Alma! Hindi ito tungkol sa Consuejo!"] Nilipat ng tinawag na Alma iyong kanyang cellphone at nilagay sa kabilang tenga. "You better make it fast. Wala na akong oras." Pumipitik na ang kanyang sentido. Mukhang ang jetlag ay nagsisimula ng umepekto sa kanyang katawan. ["There's a horse-back riding and race competition here in the Palace. Alam mo naman siguro ang Royale?"] "Hmm. Yeah. Go on." ["Kailangan ng isang bihasa na magtuturo sa mga Kapares.."] Alma rolled her eyes. "Matagal na akong tumigil sa pangangabayo, Michael.." Sumilay ang isang pilyang ngiti sa pulang mga labi nito. "Iba na ang sinasakyan ko ngayon. Are you curious about that?" ["T-That's..] She heard a pause. Napatawa siya at napailing. Kahit kailan talaga inosente pa rin ito sa ganoong bagay. ["Well.. someone requested you to come and teach them..] "Who?" ["The second prince. Prince Johannes.."] Sa pagkakataon 'yon siya naman ang natahimik. Umigting ang pagkakahawak niya sa kanyang suitcase, pero ang ngiti ay mas lalo pang lumawak. Tumingala siya sa kisame ng airport. It's been years, Johan. It must've been fate then. "I got it.." Nagsimula na ulit siyang maglakad papunta sa naghihintay sa kanya. "Tell them, I'll do it.." ["Thank you, Alma! Tell me your address and I'll come pick you up tomorrow. Have a safe drive home!"] Ibinaba na ng kabilang linya iyong tawag at siya ay nakasakay na rin sa kotse na sumundo sa kanya. Binuksan niya ang kanyang cellphone at tinitigan ang wallpaper doon. It was a boy. No. It was a man in his younger years. May ginto itong buhok at natutulog ng mahimbing. Iyong salamin sa mata nito sa mata ay nahulog na sa balingusan ng ilong nito. Napangiti siya. Nagpunta siya sa kanyang gallery. Pagkakita sa picture na iyon, she pressed delete. "Saan tayo Ma'am?" "Sa pinakamalapit na club, kuya.." It's still 1pm and yet, she's craving for some Tequila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD