Parang may nilayasan ang isang babae habang tumatakbo ng mabilis sa kahabaan ng pasilyo ng likod ng paaralan. Tangay tangay niya sa kabilang balikat ang mga drafting tubes ng kanyang mag disenyo at ang isang balikat naman ay may sling bag. Panay ang tingin niya sa kanyang likod na para bang may inaasahan na humahabol sa kanya. Hinihingal-hingal siya habang tinitingala iyong hagdan na paikot. Huminto siya sumandali para pakalmahin ang sarili. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na para bang mahuhulog ang puso niya roon. Ang kanyang habol-habol na hininga ay naririnig sa maluwag na espasyo ng lugar.
It was already 11pm. Medyo may kalalilamn n rin ng gabi at wala ng taong natira sa unibersidad. Tanging siya na lamang ang taong naiwang naroroon. Sa katunayan ay kanina pa siya walang klase, pero dahil takot na maabutan ng mga bullies at iba pang tumutukso sa kanya, palagian siyang gabi na kung umuwi. Nasa dayuhan kasi siyang bansa kaya para sa kanya, normal lamang iyon tutal naman ay talagang naiiba siya. Wala rin naman pagkakaiba iyon dahil wala rin siyang aasahang sasalubong sa kanya sa bahay.
Pero pinakamalas ata siya sa gabing iyon. Nakita kasi siya ng mga lalaking bullies at ngayon nga ay hinahabol siya.
"Wait for us, you piggy!"
"You're not going anywhere!"
Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang sling bag at humugot ng malalim na hininga. Sumalida siya at umakyat sa nakitang paikot na hagdan. Ngayon niya naisip na kailangan na nga ata niyang mag-diet dahil nahihirapan na rin siyang buhatin ang sarili pag naiipit sa ganoong sitwasyon.
She passed six rooms. Four, five and six doors. Lumapit siya sa isang pinto and tried opening it, but failed. Dumako siya sa isa, sarado ulit. She muttered a prayer while turning the other doors. Mukhang sarado na ang lahat ng pintuan. Mawawalan na ata siya ng pag-asang kumawala sa mga humahabol sa kanya. May gigil na niyang binuksan ang isang pintuan, giving pressure at baka sa ganoong paraan ay bumigay iyon.
"Hang on there, Pig. We're coming for you~"
She heard the bully singsonged in a distance. Naririnig na rin niya ang hakbang ng mga ito sa hagdan palapit sa kanya. Pumailan-lang ang tawa ng mga ito.
Nagsimulang mag-ngilid ang luha niya. Kagat-kagat ang labi, naghanap pa rin siya sa paligid at baka sa huling pagkakataon ay makakita ng lugar na matatakasan.
"Hey, come here!"
Mabilis ang naging pangyayari na maging siya'y hindi na rin nakapagreact. She was being pulled by someone on the sixth door. Iyong pintuan na hindi niya pa nachecheck kung bukas.
Nang makapasok, hinihingal-hingal siyang humarap dito.
"Who are you—"
"Ssshh!" Tinaas ng lalaki ang isang daliri sa kanyang labi, signaling her to keep quiet.
He motioned her to sit down which she obliged. Dinaiti nito ang ulo sa may pintuan matapos ilock iyon.
"You Fatso! Come out!"
Narinig niya mula sa pintuan na inisa-isang sinubukang buksan ng mga ito iyon. When they reached their door, she tucked and ducked her head as if that protects her from that. Nakita niyang nakasandal lamang sa pintuan ang lalaki, iyong gintong buhok niya ay nagliliwanag sa medyo madilim na kuwarto. Pinipigilan nito ang doorknob.
"Did we lost her? But I'm sure she went over here.."
"Damn it. It's your fault! You're too slow!"
"Hey. Let's stop this. We still have tomorrow to catch her."
The bullies from the oustide of the door, cursed and afterwards kicked the surface. Nangibit ang lalaki, halatang pinipigilan rin ang sarili na gumawa ng ingay.
Nang marining ng babae ang mga yapak ng mga ito sa labas na umaalis na sa kung saan nandoon sila, nakahinga siya ng maluwag. Sunod-sunod kumawala iyong hininga niya na kanina niya pa gustong ilabas. Pinahid niya rin iyong nagtakasang mga luha sa kanyang mga mata.
Akala niya ay katapusan na niya.
"I think you're safe now.." Ang sabi ng lalaki sa kanya at dahan-dahang sinara ang pintong binuksan. Sinilip kasi nito kung nandoon pa ang mga bullies.
"T-Thank you.." Tinapunan niya ito ng tingin at doon niya lamang nakitang malapit na pala ito sa kanya.
"Here.." Binigay nito sa kanya ang tissue na kinuha nito sa kanyang bag. "Basang-basa na 'yang mukha mo.."
Shock registered her whole face and with shaking hand, she grabbed the tissue from his. "Y-You're.. a Filipino?"
"Hmm.." Tumango ito sa kanya at parang ngumiti ng pilit. "Bakit ka nila hinahabol?"
Pinahid ng nasabing babae iyong tissue sa kanyang mukha. "They want to take revenge from me. Ahm, can I have more?" Kulang iyon kaya kinailangan niya pang kumuha sa lalaki ng ilan pa. "I actually stood against them, last time.."
"Oh. Your brave.." May tingin ito ng paghanga sa kanya. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi kaya umiwas siya ng tingin.
The blonde, young man leaned back over the wall opposite her. Samantalang siya, sumalampak lamang siya ng upo pasandal naman sa isang book shelf.
"Why are you here this.. late night?" Tinaas ng lalaki iyong makapal na salamin nito sa balingusan ng kanyang ilong.
"I'm.. usually late to go home.." Bumaling siya sa nagtanong. "How about you? Why are you still here?"
Kinuha ng lalaki iyong isang libro at pinakita sa kanya. "Research paper."
Pinasingkit niya ang kanyang mata at inaninag ang pangalan ng aklat na hawak nito. "Political Science Major, I assume?"
He smiled back at her. "Yeah. And you're Engineering or.. Architecture?" Tinuro nito iyong draft tube na nakasabit sa balikat niya.
"Architecture.." Inalis ng babae iyong draft tube at nilagay niya sa kanyang tabi. Tumunghay siya nang magsalita ito.
"You want to be friends?" He leaned towards her, beaming her a smile she can't deny to look back at. "You know, we can hang out inside and oustide the school.."
The young man stretched his one arm at her, reaching for a hand shake. Tiningnan niya ito at lumunok ng laway. Seryoso ba ito sa sinasabi niya?
Of all people? Gusto nitong makipagkaibigan sa kanya? For the first time in her lifetime iyon at nahihirapan siyang paniwalaan lang iyon basta.
"I.." She tilted her head on the side, suspicious on the blonde lad. "I'm weird.. I don't think we can be of match.."
"But I'm weird too!" Nagkibit ito ng balikat at tinuro iyong salamin sa mata at braces sa kanyang mga ngipin. "They call me Four-eyed and Mr. Nerdy.."
Tumawa ang babae at tumango-tango sa kanyang direksyon. Kung tutuusin ay okay naman ang itsura ng lalaki para sa kanya, pero dahil obvious ang intensyon nitong patawanin siya ay pumayag siya sa gusto nito.
"Alright. But I'm weirder. I eat tamarind with peanut butter.."
"I'm weirder. I sleep with my eyes open.."
"How am I suppose to do that?"
"Right? I told you."
"I think you should design my future house.."
"Not if the price isn't right.."
"Hahaha. I'm Johan."
Tinanggap na ng babae ang kamay nito. "I'm Alma.."
- - - - -
"Pasensya na po talaga Miss, hindi po talaga kayo pwedeng pumasok.."
Nakahalukipkip sa harapan ng gate ng Palsayo si Alma habang tinitingnan ang dalawang gwardya na hinaharangan siya. Pinigilan kasi siya ng mga itong pumasok kahit na sinabi niyang may appointment siya sa loob noon at kahit na ipinakita na niya ang kanyang ID. Nagngingitngit niyang tinaas ang ID sa pagmumukha ng mga ito.
"Hindi ba kayo marunong tumingin ha? Ayan oh?" Dinikit niya pa sa dalawa iyon. "Allen. Mae. Agnello.." Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabila niyang baywang. "Bulag ba kayo?"
Alma saw the two guards exchanged glances. Parehas pa ang dalawang kumamot sa kanilang balikat at binalik iyong ID na binigay niya.
"Pasensya na kayo Ma'am. Malalagot kami sa hari kapag pinapasok namin kayo. Sana maintindihan niyo.."
Lalong nangunot ang kanyang mga kilay. Binigyan na nga niya ang mga ito ng ID para mapapagkilanlan ay ayaw pa rin siyang papasukin? Napahilamos siya sa kanyang mukha. Talaga nga atang may pagkabulag itong mga ito. Kung bakit kasi hindi niya matawagan si Michael. Kanina pa niya tinatawagan ay puro system generated voice ang sumasagot sa linya.
"Umuwi na kayo Ma'am habang maayos pa kaming nakikipag-usap." Ang sabi ng isang may tansong relo at tinapunan siya ng seryosong tingin. "Baka mamaya ho, di na kami makatiis at kaladkarin na kayo namin palabas.."
Umarko ang isang kilay niya. Aba't siya pa ata ang pinagbalaan ng mga ito. Hindi ba ng mga ito alam na black belter siya sa taekwondo at nag-aral din ng karate at wushu? May certificate din siya sa boxing at maging sa kick-boxing. Kung gusto pa nga ay sasampulan pa niya ang mga ito ng mga matauhan.
"Marco! Jordan! Anong ginagawa niyo?"
Bwebwelo na sana siya ng may narinig siyang sumipol sa di kalayuan. Lumawak ang pagkakangiti niya ng makita si Michael. Kinawayan niya ito.
"Michael! I'm here!"
"Alma!"
Pero hindi ito nag-iisa. May kasama ito. Iyong taong hinding-hindi niya ata makakalimutan. She smiled.
Agad kumaripas ang t***k ng puso niya nang ngumiti ito pabalik kanya. Para siyang mauubusan ng hininga.
Her heart. Alma's certain, it's still his after all those years.