Kabanata 29

1756 Words
Masama ang loob na hinipan ni Alma ang kanyang mga daliri. Bago kasi siyang manicure at iyong isang kuko niya ay natuklap na ang kulay pulang nail polish. She casted her eyes over the two guards na ngayon nga ay pinapagalitan ni Michael. Hindi niya pinapansin iyong isang lalaki sa tabi niya na halatang nagpipigil ng tawa. "Tatandaan niyo 'to. Kapag nangyari pa ito ulit, masesesante na kayo. Maliwanag ba 'yon?" "Naiintindihan po namin. Ipagpagpaumahin niyo po.." "Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng tawad.." Bumaling ito sa kanyang direksyon at tinuro siya. "Sa kanya kayo humingi ng sorry. Ngayon na!" Parang may magic spell ang mga kataga ni Michael dahil lumapit agad ang mga nasabing guwardiya sa kaniyang harapan. Napangiti siya. Mukhang pinapakita nito ang posisyon niya bilang leader ng Consuejos. Inalis niya iyong isang kamay na nakayakap sa dibdib niya. She stopped a hand mid-air, dismissing them to say a thing. "O, tama na 'yan. Tama na 'yan.." Pumalakpak si Prinsipe Johannes. Nakasingit sa pagitan ng hintuturo at palasinsingan nito ang ID ni Alma. "Go back to your posts.." "Yes, Your Majesty.." Pagkatapos umalis ng mga guwardiya sa harapan nila, pinamulagatan ng mata ni Alma ang prinsipe. Nagmukha pa tuloy malalaki ang mga mata nito dahil sa eyeliner nitong nakaguhit sa ilalim doon. "Ano bang nakakatawa? Kanina ka pa ah." Tumalon ang nasabing babae at pilit na kinukuha iyong ID na nasa isang kamay nito. "Akin na nga 'yan!" Nagpakawala ng malulutong na tawa ang prinsipe bago sumagot sa kanya. Tinaas pa nito ang mga kamay para hindi maabot ng babae iyong card. "You expect them to recognize you? Ha?" Tumingala siya sa ID nito na may nakasulat na University of California-Berkeley. Architecture Department. "For goodness sake Alma, this ID was years ago! Student ID seriously?" The woman clothed in black skirt puffed air from her cheeks. "Eh sa nakalimutan ko sa unit yung passport ko eh. Alangan naman bumalik pa ako, nandito na ako.." Parang may laman ang bibig nito sa pagsasalita. Umismir ito, unti-unti nang nararamdaman ang init ng araw. "You and Michael. You should've welcome me in front of the gate.." May ngiting lumapit sa kanila si Michael. Kinuha iyong ID na nasa kamay ng prinsipe at tinanguan ito. "Miss, sigurado ba kayong kayo itong nasa litrato?" "I dare you to say it again.." Michael blinked at her at mabilis pa sa alas kuwatrong binigay sa kanya ang ID niya. Mukhang mahal pa nito ang buhay niya. Alma smirked and turned to the blonde prince. "Anong oras ang naging flight mo?" Ang sabi nito at nagsimula silang maglakad papasok ng Palasyo. "Kung sinabi mo sana eh di nasundo ka namin nitong si Michael.." Pinagpag ni Alma iyong kamay sa kanyang palda. May nahulog kasing dahon doon. "About 9am?" Tumawa siya at tumingala sa kausap. A part of her mind was cursing of how she forgot the man was a six footer. "I don't need it, though natawagan na ako nitong si Michael.." Huminto siya sa paglalakad at bumaling sa isa sa mga Consuejo at umakma ng suntok. Actually, wala siyang kaalam-alam na iyong naghihintay sa kanya sa labas ng airport ay padala sa kanya ng kanang-kamay ng hari. Nakumpirma niya lamang iyon nang itanong niya sa driver kung saan ito nagtatrabaho. Nang makita niya ang calling card nito ay nakaaddress mismo sa Consuejo pati na ang pangalan nito. But Alma was thankful to it. At least, nakalibre na siya ng sakay, nakaligtas pa siya sa mga mangagantsong taxi drivers. "So how was the job?" Si Prinsipe Johannes naman ang huminto sa paglalakad. "Gagawin mo ba?" "Hmm.." She shrugged her shoulders, her eyes glancing to Michael and to the blonde prince. "Sa tingin ko naman wala akong dahilan para tanggihan 'yon? Besides.." She raised her one hand, rubbed her index finger with her thumb and her eyebrows wiggling at the two men. "I need some cash.." Nagkatinginan si Prinsipe Johannes at si Consuejo Michael. Parehas silang tumawa at napapailing-iling na tumingin sa kanya. Napakunot ang kanyang noo. "What? My service isn't free!" Tinanguan lamang si Alma ng prinsipe habang nagpatuloy maglakad. "Now, now, Miss Agnellon.." Ang isang kamay ay aanyong aabrisyete na sa kanyang balikat, kaya medyo natigilan siya. "Let's just proceed to the office.." "Sagutin niyo muna ang tanong ko? Babayaran niyo ba ako o hindi?" "Sekreto~" "Johan!" - - - - - Nag-uunat na lumabas ng kuwarto si Lyca. Alas dyes na iyon ng umaga at katatapos niya lamang magmeryenda ng inihandang buko pie at egg tarts na ginawa mismo ni Clover. Hindi naman niya natanong kung bakit at kung anong okasyon dahil pagkatapos niyang magmeryenda ay umalis na rin ito. Nagkibit siya ng balikat at nagpunta sa isang bulletin board. Pinagmasdan niya ang kabuuan nuon. Her hazel eyes caught the card pinned right in the left corner. May tinta iyon ng makintab na glitters na ginto sa tabihan. May mga salita iyong Royales #2, Horseback Riding and Race. Inalis niya sa pagkakapaskil ang card sa bulletin board at nagpakawala ng buntong-hininga. Sa katunayan, may advance na announcement ang mga Consuejos kung anong susunod na tournament kaya nung makita niya iyong papel sa bulletin board ay wala na lang sa kanya. Tumingala siya at ibinalik ang papel doon. Katatapos lamang nila sa Archery arc, ngayon naman ay may kasunod na agad. Kaya siguro sila binigyan ng isang linggong bakasyon ay para doon. Mahirap na nga ang pagpana, lalo na sa kanyang normal na nilalang at walang gaanong karanasan sa gaanong bagay ngayon pang mangabayo? Napakamot siya sa kanyang ulo. Speaking of which, hindi niya pa gaanong nakikita si Prinsipe Johannes pagkatapos ng insidente nila sa kusina. Remembering the scenario on her head makes her feel the butterflies on her stomach once again. Kailangan siguro nilang magkita para pag-usapan iyong sunod na Royales. "Sagutin niyo muna ang tanong ko? Babayaran niyo ba ako o hindi?" "Sekreto~" "Johan!" Napapitlag siya nang bahagya nang marinig ang sigaw sa baba ng Palasyo. She was currently located on the third floor of the wide castle, pero malinaw sa pandinig niya iyon. Pumunta siya sa balcony at sinilip kung sino iyon. There she saw a woman, clinging onto Prince Johannes neck while the said prince was, smiling ear to ear. Nakasunod lamang sa mga ito si Consuejo Michael na malawak rin ang pagkakangiti. Napakapit siya sa sementadong hamba. Napalunok siya at nakaramdam ng pagkirot sa kanyang dibdib. "Ano ba, Allen Mae! Ang bigat bigat mo! Bumaba ka nga!" "Ayoko! Not until we're on the office.." Umalingaw-ngaw ang tawa ng dalawa sa malawak na espasyo ng Palasyo. Umiwas siya ng tingin at napahinto sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya kilala iyong babae pero sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan ng prinsipe ay masasabi niyang sobrang close nila sa isa't-isa. Oh how she wanted to call him in his first name. She gripped her hands over her silky dress. Panay pa rin ang pagkirot ng kanyang dibdib. She let out a sigh and cleared her mind. "It must be Consuejo Alma.." "Nanaykupo—" She's about to turn her heels towards her room when someone blocked her way. Sapo-sapo ang kanyang dibdib, tumingala siya sa may gawa. "Kamahalan!" Agad na yumuko sa kanya si Consuejo Olen, may guhit na pag-aala-ala sa mukha nito. "Ipagpaumanhin ninyo, nagulat ko ba kayo?" "H-Hindi naman.." Umiling siya at lumunok ng laway. Kahit na talagang aatakihin siya sa puso dahil dito ay hindi iyon ang kanyang sinabi. "Are you.. headed to your room now, Your Majesty?" Ulit nito at lumapit sa may balcony. "O-Oo.." "I see.." Tumango-tango ito, sinampa ang mga braso sa hamba ng balcony. Hinawakan niya ang doorknob ng kanyang kuwarto. Bubuksan na sana niya iyon pero gustong-gusto niyang magtanong tungkol sa sinasabi nito kanina. With a defeated sigh, she turned to him again. "Well.. about that.." "Hm? Ano po 'yon? Kamahalan?" "About.. what you said.." She brought her hands in her front, slightly walking forward. "Kanina.." "Ah.." Tumawa ito sa kanya at tumango-tango na para bang tumama na ito sa gusto niyang malaman. "Tungkol po ba kay Consuejo Alma?" Tinuro nito kung saan nagpunta ang tinutukoy at tumingin sa kanya. "Si Consuejo Alma po 'yon. Ah. No.." Umiling ito. "Actually, ex-Consuejo na po siya." "Ex.. Consuejo?" She inquired, completely curious. Lumapit siya ng kaunti sa kausap. "Opo, Kamahalan. Ex-Consuejo." Pinagsalikop nito ang mga palad. "Pero hindi na siya naging qualified maging Consuejo sa pangalawang pagkakataon dahil sa nangyari.." Humigpit ang hawak ni Lyca sa bakal doon, ang likod niya ay bahagyang nakasandal sa pader at nakaharap sa kausap na hurado. "Anong nangyari?" Olen paused, making her nervous along the way. "Preferably, because of Prince Johannes.." Lyca's heart started beating fast. Iyong kirot na kanina niya pang nararamdaman ay mas lalong lumala. Hindi niya alam kung bakit pero marahil dahil sa susunod na sasabihin nito. "What about.. the second prince?" "Just like the relationship between assistants, a relationship made from a Consuejo and a royal family is forbidden.." Wala pa namang sinasabi si Olen sa kanya ay parang binuhusan na rin siya ng malamig na tubig sa ulo. Napalunok siya. Pilit na pinapakita na okay lamang siya sa nalalaman. "They're ex-lovers, Your Majesty.." - - - - - EARLIER Tahimik na nagmamasid si Olen sa isang tabi kay Prinsesa Lyca, ang mga kamay ay nakahalukipkip sa dibdib nito. A smirk was written on his lips while glancing at the sight downwards. Lumipat ang tingin niya sa mapapangasawa ng pangalawang prinsipe at lalo pang lumawak ang pagkakangiti sa guwapo nitong mukha. Kahit hindi nagsasalita ay alam niya kung ano ang nabubuo sa pagitan nila. Naramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang cellphone. Hindi nakaregister ang numero sa kanya pero alam na niya kung sino iyon. Without second thoughts, he pushed the green button. ["Anong balita?"] "Pinakilala na ako sa hari. Pinakilala na ako bilang isa, sa mga Consuejo.." ["Great..] He heard a clink of glass. Nag-iinom ang kausap. ["Anong sunod mong gagawin?"] Tinaas niya ang kanyang baba, eyeing a particular woman in his front. "I'm on it, Sir.." ["Magaling.."] Tumawa ito sa kabilang linya. ["Hindi na kita iistorbohin. Tell me the good news soon.."] Ibinaba na niya ang tawag pagkatapos nito. Sinuksok niya iyon sa kanyang pantalon. Nagsimula siyang humakbang papalapit sa kinaroroonan ng kanyang target. Do you know how to wreck someone, so painful they wanted to die? Lumapit pa si Olen kay Prinsesa Lyca. Nakapagpalit na siya ng mukha na gagamitin niya sa tagpong iyon. "It must be Consuejo Alma.." It's the power of words and the emotions lingered to them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD